chapter 11: Baryo

898 28 0
                                    

Pia POV

Ring.. Ring.. Ring

Napatingin sakin si trace na nakakunot noo habang hawak ko yung phone ko na nagri-ring. Sinilip ko yung calling, ganun na lang gulat ko ng makita ko kung sino. Tinignan ko si trace tsaka ako ngumiti ng pilit.

"Si mama tumatawag, excuse" yun lang bago ako lumayo sa kanilang lahat.

"Hello" nakangiti kong sabi sa manliligaw ko na si jimmy.

"Bakit ang tagal mong sagutin hmp"

"Alam mo namang busy ako eh. Kaya please huwag ka na magtampo. Sorry na"

"Sagutin mo muna ako para bati na tayo"

Eh. 1 week mo pa lang ako nililigawan. Pero kahit ganun napamahal agad ako sayo dahil ang sweet mo sakin.

"S-sige na nga tayo na. Pero please huwag ka na magtampo"

"Talaga pia, tayo na as in girlfriend na kita, yuhhoooo"

"Oo nga, alam mo namang mahal kita kaya hindi kita matitiis"

"I love you sweetie"

"Sweetie?"

"Oo yun na ang cs natin okay, sweetie"

"Okay, I love you too, s-sweetie hehe" kinikilig na sabi ko, grabe talaga siya

"Hindi mo alam kung pano mo ko napasaya"

"So, pano papakainin mo na ako ng madami hehe"

"Oo naman basta huwag lang magutom ang sweetie ko"

"Ikaw talaga, sige na may gagawin pa ko, bye. And again I love you"

"I love you too, ingat ka diyan" napaka-sweet niya talaga

Sorry, trace kung hindi ko kayang ibigay yung nararamdaman mo sakin, sadyang si drake lang kasi ang laging nandiyan sa tuwing may problema ako. Sana hindi ko pagsisihan ito.

"Sige, bye" yun lang bago ko pinatay. Nakangiti akong bumalik kila trace na nagtatali ng plastic na may lamang pagkain.

"Mukhang masaya yung napag-usapan niyo, ah" Nakangiting sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango.

"Oo naman, dahil uuwi na daw si papa galing barko" pagsisinungaling ko. Sorry talaga trace sadyang si jimmy ang mahal ko.

"I'm happy for you" yun lang bago dumating si ana na mukhang wala sa sariling ngingiti o malulungkot.

"Mukha kang tanga" sita ni trace sa kaniya na kinagulat niya, luminga-linga pa sa paligid kung nasaan siya bago humarap samin na nakanganga na.

"Hey, are you okay? Wala ka sa sarili mo" nag-aalalang sabi ni vince dito. Tumaas yung kilay niya bago umiling ng umiling.

"Yes, pupunta ako doon" pare-pareho kaming nagulat sa sinabi niya habang nakaturo sa tabi ni karl.

"Huy, gaga ano bang nangyayari sayo at wala ka sa sarili mo?" Naka-pamewang na sabi ni elle dito.

"Ah?"

"Sabi ni vince, okay ka lang ba dahil wala ka sa sarili mo, sinabi mo na Yes, pupunta ako doon" gaya niya sa sinabi ni ana with turo din sa tabi ni Karl.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now