chapter 51: Plan

494 17 0
                                    

Ana POV

"Sabi ko na nga ba may ibubuga ka!" Ngising sabi ni yuna kay luna.

"Ano naman ngayon, loser!"

"Mayabang ka nga, jas, cris, kurt. May mayabang dito!" Baling ni yuna sa tatlo na agad lumapit.

"Akala mo masisindak mo ko? Hero, kalvin" baling din ni luna sa dalawa na agad ding lumapit.

"Mag-aaway ba-----" tinakpan ko agad yung bunganga ni lannie sa sabihin niya. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nila narinig yun.

Hinila ko yung bangko papalapit sa kanila. Umupo ako doon saka binuksan yung popcorn ko at nagsimulang kumain habang nanonood na kinanganga nina lannie at anthony. Hindi ko sila pinansin bagkus nanood ako sa away na magaganap.

Namiss ko tong gawin, haha.

"Nagtawag ka din ah!" Ngising sabi ni yuna na mas lalong kinangisi ni luna. Sumubo ulit ako ng popcorn saka tumingin kay luna.

"Hindi masamang magtawag dahil kung nakakasama nauna ka ng--"

"Ang kapal ng mukha mo"

"Oo, at least hindi kasing kapal ng librong katulad mo! Konti na lang mapagkakamalan na kitang kapatid ng libro sa sobrang kapal"

"Hayop ka!!"

"Anong klase ng hayop? Pusa o ano?" Ngising sabi ni luna na kinangisi ko din.

Para siyang si elle, pero mas mataray si elle sa kaniya. Base sa nakikita ko mas maraming nasasabi si elle kesa kay luna. Pero wow, kakaiba si luna.

Nagpapalit-palit lang yung tingin ko sa kanila habang kumakain ng popcorn. Nang sumigaw si yuna naagaw muli lahat ng atensyon ng nagpra-practice. Pero hindi ko sila pinansin nanood lang ako. Pinalibutan na din kami lahat ng nagpra-practice saka kami pinanood.

"Alam mo gusto na kitang sabunutan!" Gigil na sabi ni yuna kay luna. Naghiyawan lahat ng manonood dahil sa sinabi niya. At ang nangungunang pinaka-maingay ay ang basketball team.

"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ni lannie na kinasigaw lahat ng 'boo' gusto kong matawa pero inaalala ko baka mabilaukan ako sa popcorn at ako pa pagtawanan.

"Ikaw ang tumahimik!" Sigaw ni jas kay lannie na kinaingay na naman ng lahat.

"Hindi ba kayo nahihiya?"

"Bakit artista ka ba para mahiya sa lahat?"

"Artista lang ba ang may karapatan?" Nag-ingay ulit lahat ng manonood sa sinabi ni lannie na kinangisi ko. Sumubo ulit ako ng popcorn saka muling nanood.

"May sinabi ba akong sila lang ang may karapatan?"

"Base sa sinabi mo, OO"

"Ang kapal ng mukha mo! Nasan pala yung new friend mo? Mukhang nagtago sa takot, haha"

"Nasa likod mo!" Ngising sabi ni lannie dahilan para tignan nila akong lahat. Tumahimik din ang kaninang maingay ng makita ako. Gulat na gulat si jas ng makita ako. Kumain ulit ako ng popcorn na parang walang pakialam.

"Tapos na ba? Tsk, boring..." Tumigil ako saka tumayo "So, may nanalo na guys, AND THE WINNER IS, LUNA AND LANNIE" sigaw ko na kinatuwa nilang lahat at nagsimula na ding mag-ingay sa sinabi ko. Naramdaman kong lumapit lahat ng kaibigan ko sakin pati ang buong basketball team.

"Loko ka, nandiyan ka lang pala!" Sita sakin ni grey na kinatawa ko.

"At nagawa mo pang manood at kumain ng popcorn? Huy, wala ka sa cinema!" Angil din ni jake na lalo kong kinatawa.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now