chapter 50: Lannie

477 15 0
                                    

Ana POV

"Sa wakas schoolmate ulit tayo" masayang sabi ni vince na kinangisi ko. "Huy, anong ngising yan!?"

"Hehe, nothing! I'm just happy we're shoolmate again!"

"Ashuuu, baka!" Binatukan agad namin si elle ng mahina na kinatawa niya.

"Sa wakas rin at isang school na lang ang pupuntahan namin, haha" natawa kaming lahat sa sinabi ni ate trisha.

"Eh, ikaw jenjen? Kailan mo balak mag-aral dito?" Baling ni karl dito na nagkibit balikat agad si jenjen.

"Gusto ko na rin tuloy mag-aral dito! Walang jessie! Walang gulo" natawa ulit kami sa sinabi ni jenjen.

"Kawawa naman sina pj at john doon, haha" ani ni vince na kinangisi namin.

"Miss mo na? Haha, don't worry alam ko namang bakla ka rin, haha" nagtawanan kaming lahat sa sinabi ko. Nag-kulitan pa kami bago nag-paalam na kami nina elle, jane, klea, chloe at grace sa kanila.

"Oh, pano una na kami!" Ngiting sabi namin na tinanguhan nila.

"Makikita naman namin kayong mag-practice lahat eh!" Ngiting sabi ni sam na tinanguhan namin.

"Dito lang kami" turo ni karl doon sa bangko na tinanguhan ulit namin.

"Yung paalala ko!" Sita ni grey na kina-irap ko.

"Malapit lang kami sa inyo" turo ko sa gitna na kinangiwi nila. Nag-high five muna kami sa buong team nila bago kami naglakad sa sari-sarili naming sports.

"Hi" ngiting sabi ni lannie na kinangiti ko din.

"Oh, ganda ng mood ah?"

"Wala pa sila, eh" natatawang sabi niya na kinatawa ko din. Nilapag ko yung bag kong maliit at badminton ko dahil mag-e-exercise muna daw kami.

"Ang aga naman ng mga pabida dito" bungad ng apat saka nilapag din ang bag at badminton bago kami hinarap.

"Mas maganda nga ang maaga eh!" Angil ni lannie dito na kinataas niya ng isang kilay

"Huy, huwag mong ganyanin ang girlfriend ko!" Turo niya kay lannie.

"Huwag mo ding ituro ang kaibigan ko!" Inis na bungad ni anthony saka inakbayan si lannie.

"Pabida din ito eh!"

"Anong tawag sayo?"

"Aba! Lumalaban ka na!"

"Matagal na akong lumalaban!"

"Mayabang ka ah!"

"Tumigil na kayo, mag-exercise na tayo" pigil ni lannie saka inirapan si Jasmine.

"Aba, ang kapal ng mukha nito ah!"

"Hayaan na natin sila, babe! Baka mahawa tayo ng pagka-loser sa kanila" yun lang saka sila umalis na kinailingan namin. Nag-pony tale ulit ako dahil bawal ang naka-lugay.

"5 rounds muna tayo, then bukas 10! Padagdag ng padagdag ng lima kada isang araw!" Sigaw ni lannie para marinig naming lahat. Tumango kami saka pumila para sabay-sabay kaming mag-jogging na parang basketball player, tsk.

Arrangement:

           Ako, lannie, anthony
Yuna, Cristal, Jasmine, kurt
           Hero, luna, kalvin

"Ang bagal naman" inis na reklamo ni jasmine kay lannie.

"Jogging nga, diba?" Anunsyo din ni lannie dito. Hindi ko na lang sila pinansin ng madaanan namin ang basketball dahilan para mapatingin ako sa kanila na nagpra-practice na. Sunod naming nadaanan ay kila jane na nagpra-practice na din. Kumaway sila na tinanguhan ko. Sunod naming nadaanan kila elle na nagpra-practice na din. Last naming nadaanan ay sa soccer. Limang beses namin silang nadaanan bago kami huminto sa pwesto namin.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now