chapter 20: Party

772 20 0
                                    

Ana POV

"Sa wakas tapos na din" malakas na sigaw ko ng matapos kong mag-ayos. Wala namang makakarinig sakin dito dahil for sure nasa sayawan na silang lahat. Kinuha ko yung pouch ko na black din.

All black ka na ana, tsk.

Bumaba ako sa kubo at ni-lock yung pinto napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil yung tugtug,

Anyare?

Pero imbes na sagutin ko yung sarili kong tanong. Naglakad na ako papunta kung saan ang sayawan at dun ko lang napag-tanto kung bakit nawala yung tugtug dahil nagsasalita na pala si pinuno.

"Mga aking mga kasama nais kong ipakilala sa inyo ang ating mga bisita na tumulong sa ating tirahan upang mapaganda, kita niyo naman ang ating baryo na kay laki ng pinag-bago dahil sa kanila, maaari ba kayong lumapit?" Baling ni pinuno sa mga kasama ko na tumango saka tumayo sa gilid ni pinuno "salamat, nais kong ipakilala muli sainyo ang ating bisita na sina mae, james, martin, johara, joel, nikka, peter, trina, chloe, klea, grace, Karl, vince, jake, jane, miguel, kyzelle, pia, trace, kulang sila ng isa dahil hindi daw makaka-punta si ana" nagulat ako sa sinabi niya.

Ako hindi makakapunta? Sino namang nagsabi nun? Eh, ang sabi ko susunod ako matapos kong mag-ayos.

Pero imbes na sagutin ko yung mga tanong ko sa isip ko nagsalita na ako saka lumabas sa gilid ng kinatatayuan ko.

"I'm here, sorry, I'm late" pagkasabi ko nun nagulat silang lahat saka napatigil ng makita ako. Nakangiti akong naglakad papalapit kung nasan sila grey. Nang magtama yung mata namin nagulat niya.

Weird.

"Oh, ana hija, akala ko hindi ka makakapunta?" Takang sabi ni pinuno ng makalapit ako.

"Sino naman hong nagsabing hindi ako makakapunta?" Taka kong sabi. Sabay-sabay silang napalingon lahat kay pia na kinakunot ng noo ko.

Sabi ko na nga ba, tsk.

"S-sabi mo hindi ka m-makakapunta?" Gusto kong matawa ng mautal pa siya.

"May sinabi ba akong ganun?"

"O-oo y-yung tayong d-dalawa lang n-nag-uusap, s-sabi mo h-hindi ka m-makakapunta"

Bitch, hindi pa tayo nag-uusap simula nung pinag-bintangan mo ko. Sinungaling pa. Tsk.

"Ah, oo nga pala, sorry if I change my mind" ngisi kong sabi dito na kinagulat niya.

"The two of you are okay now?" Napalingon kami kay grey na nakangiting sinabi yun.

Bakit ba ang gwapo mo lalo na ngayon.

"A-ah, yes" utal na ani ni pia na kinangiti nilang lahat.

Sinungaling!

"Yes, she's right. Nagbati kami dahil nagmakaawa siya sakin, right pia?" Gulat siyang napatingin at mababasa sa mukha niya na gusto niya na akong sugudin.

"Oh, well that's true, nagmakaawa ako tapos hindi niya agad ako napatawad, right rhiana?"

Gumaganti ang loka.

"Oo, kasi ikaw naman inaaway pa ko"

"Mang-aagaw ka naman kasi, eh"

"Hindi naman kasi eh, bakit mo naman kasi pinag-pipilitan na inaagaw ko si grey sayo?" Ngising sabi ko na kinatigil niya.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now