chapter 48: Dead threat

587 11 0
                                    

Ana POV

Nang gabing iyon yun na pala ang huli naming pagkikita dahil naging busy na kami ngayon. Ginanap na din ang acquaintance party nila vince nung nakaraang araw pero hindi namin sila napuntahan dahil masyado kaming busy ngayon. Naibigay ko na din ang report ko sa science na kinatuwa ng sir na yun at take note may pinagawa na naman siyang activity sakin! Kaya heto ako sa library gumagawa ng activity dahil mamaya may practice na ako ng badminton. Si elle naman nagpra-practice na ng Sports na kinuha niya. Si jane naman gumagawa na ng cheer dance kasama sina klea.

Masaya ako dahil ayos na kami pero may problema kaming kinakaharap ngayon. Kinabukasan kasi nun may dead threats na nagpapadala sa bahay namin ni grey at sa iba pa naming mga kaibigan. Pero hindi nila alam na may alam na kaming tatlo dito nina elle at jane. Simula din nun lagi na naming sinusundan yung lalaki na si leo prank. Pero lagi siyang nawawala agad dahil laging panira sila grey! Tawag kasi sila ng tawag sa phone namin kaya hindi namin nasusundan yun!

Matapos kong gumawa ng activity pinass ko na agad kay sir na kinatango niya na lang. Lumabas ako ng room niya saka dumeretso muna ako sa cr para magpalit ng P.E dahil magpra-practice na ako ngayon!

Wala na ding klase ngayon dahil busy kami sa paghanda sa intramural na gaganapin next week. Nang makarating ako ng field nakita ko agad yung mga makakasama ko.
Nilapag ko muna yung bag ko bago ako humarap sa leader namin.

"Sorry, I'm late" ngiting sabi ko na kinangiti niya at tango.

"Your just in time.. Guys completo na ba tayo?"

"Yes, Lannie" sabay-sabay na sabi ng lahat na kinatingin ko kay lannie.

"Okay, so, may bago tayong makakasama ngayong taon. Please introduce your self" baling nito sakin. Humarap ako sa lahat na nakangiti sakin

"I'm ana"

"Hi ana" kaway nilang sabi na kinatango ko. Tumingin ako kay lannie saka ako tinanguhan. Sinabi niya din kung ano rule nila na agad kong tinanguhan na lang. Kumuha ako ng pony tale sa bag saka nagtali. Kinuha ko na din yung badminton ko sa bag saka lumapit sa kanila.

"Ngayong araw lang tayo dito, dahil may gagamit dito bukas ang cheer dance dito sila magpra-practice kaya bukas sa gym na tayo, huwag kayong mag-alala dahil hindi naman makakasabagal satin ang volleyball, cheer dance at basketball kahit makakatabi natin sila sa pag-practice!"

"Kyahh, makikita ko palagi si fafa trace" tili nung isa naming kasama. Tingin ko ay siya ang mataray, maarte at kung ano-ano sa paraang galaw pa lang niya.

"Ako naman, si miguel" ani ng kaibigan niya.

"Akin naman si fafa jake, kyahh" nagtilian na silang tatlo na kinabuntong hininga namin.

"Pagpasensyahan mo na sila" ani ni lannie na kinangiti ko na lang.

"Mukhang hindi ka pala salita" nilingon ko agad yung lalaki na may hawak na shuttlecock habang tinataas-baba niya yun.

"Wala naman akong sasabihin!"

"Huy, babae huwag mo ngang sumbatan ng ganiyan ang boyfriend ko" agad kong nilingon yung babae kanina yung nagsabi ng 'Kyahh, makikita ko palagi si fafa trace'

May boyfriend na pala naglalandi pa!

"Hey, Jasmine huwag mo nga siyang ganyanin nagsasabi lang siya ng totoo!" Sabat ni lannie saka ako hinawakan sa braso na kinatawa nung Jasmine na yun!

Baliw amputa!

"Bagay kayong magkaibigan! Parehas na feeling mabait may tinatagong landi naman! Saka inagaw mo lang naman sakin ang pagiging leader diba? Kasi sipsip ka!"

The Cold GuyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora