chapter 53: Date

487 16 0
                                    

Ana POV

"Panong hindi magiging sira? Eh, ang sexy mo at ang ganda mo pa! Kaya please, isa lang naman eh!" Kinalibutan agad ako sa sinabi niya. Sa totoo lang kaya ko siyang labanan kaso baka mapatay ko siya.

"Baliw ka na kuya! Lumayo ka sakin kung ayaw mong makakita ng star sa ulo!"

"Haha, pagbibigyan mo ba ako para makakita ng star sa ulo?" Natigilan ako sa mga kinikilos niya parang may kakaiba eh! Kanina hindi siya malikot pero ngayon para na siyang nababaliw. "Isa lang naman miss! Pagbigyan mo na ako! Panigurado masasarapan ka----"

"Huy, gago" agad akong nagulat ng biglang dumating sila grey saka niya sinuntok yung janitor kaya napahiga ito sa lakas ng suntok ni grey.

"Wait" pigil ko ng susuntukin niya ulit, hinila ko si grey sa tabi ko saka ko tinitigan yung janitor na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"What?"

"Naka-drugs ba siya?" Biglang sabi ko na kinagulat nila grey. Hinila ko ulit papalayo si grey doon sa janitor.

"Ah?" Singhal ni vince na kinatango ko. Tinignan ko ulit yung janitor na namimilipit sa sakit ng suntok ni grey.

"Saan ang mga gamit ng janitor?" Baling ko kila grey na agad nagtaka.

"Ah?"

"Ah? Bingi? Sabi ko saan ang mga gamit ng janitor?"

"Sa lumang building" tumingin ulit ako sa janitor saka siya sinipa para mapaharap sakin. Kinuha ko din yung maliit kong flashlight sa bulsa para tignan yung pangalan niya sa gilid ng damit niya.

"Danilo!" Agad na sabi ko bago muling humarap kila grey na nagtataka na sa ginagawa ko. Ngumisi ako saka tumingin sa madilim na hallway. "Hehe, samaan niyo naman ako!" Dahil sa sinabi ko nagtawanan silang lahat na kinasimangot ko.

"Takot ka nga pala sa multo, haha! Alam mo ba maraming multo dito?"

"Wahhhh, uuwi na ko! Bahala kayo diyan kita kits na lang" tumalikod na ako sa kanila na mas lalo nilang kinatawa.

"Oh, come on, haha! Pupunta ka dito sa lumang building para tignan yung gamit ng mga janitor? Kaya tara na" natatawang sabi ni jake na kinaharap ko.

"Hindi na nagbago na isip ko, kaya uuwi na ko---wahhhhh" napasigaw ako ng hilahin nila ako papunta sa madilim na hallway na kinatawa ulit nila.

"Haha, lakas ng loob mo ah!"

"Eh, kayo na lang pumunta babantayan ko yung janitor baka tumakas!"

"Sanny, kayo nalang magbantay sa janitor" agad na sabi ni grey na tinanguhan niya. Nanlaki yung mata ko ng umalis na si sanny na kinatawa na naman nila.

"Huy, ano ba! Kapag ako hindi makatulog naku!!! Lagot kayo sakin"

"Ikaw pa? Eh, tulog mantika ka, haha" nagtawanan ulit sila sa sinabi ni grey. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa damit ni grey ng sobrang dilim sa lumang building.

"Sisindi ko lang yung ilaw" sabi ni grey na kinagulat ko.

"Ako na lang" sabay-sabay na sabi nilang lahat.

"Okay tayong lahat na lang" nagulat ako ng bigla silang tumalikod.

"Huy, huwag niyo kong iwan dito! Isa lang dapat yung magswi-switch!" Agad na sabi ko. Ngisi nila akong hinarap na kinalunok ko.

"Isa lang? O sige, ikaw na lang!"

"What?"

"Ayaw mo? Sige kami na lang!"

"Sasama na lang ako!"

"Kung sasama ka din, edi! Ikaw na lang kaya mag-isa? Sabi mo isa lang dapat magsisindi ng ilaw?"

The Cold GuyWhere stories live. Discover now