chapter 37: Friendship

710 16 0
                                    

Ana POV

Tulad ng sinabi ko kila elle at jane. Pumunta ako sa office ni sir para ipass yung pinagawa niya sakin. Nakangiti akong kumatok bago pumasok.

"Hi sir" Nakangiti kong bungad sa kaniya. Tinigil niya yung ginagawa niya saka ako nakakunot noong tinignan.

"Oh, miss chua?"

"Sir tapos ko na po yung pinagawa niyo sakin, completo po yan" inabot ko sa kaniya yung makapal na folder na pwedeng hihampas sa mukha niya dahil napaka-kapal nun.

"Hindi completo yung activity 7, dagdagan mo! At isa pa gumawa ka ulit ng activity 21, 22, 23, 24, 25"

Anak ka ng... Pato.

"Sir, sabi mo nun activity 1, 2, 3 lang? Tapos dumami na sir?" Gusto ko na talagang isumbat yung ipa-100 mo na lang kaya baka kasi seryosohin niya kawawa pa ko.

"May nirereklamo ka ms. Chua? Baka gusto mong ibagsak kita?"

"Sir? Huwag. Gagawin ko na lang yung pinapagawa mo" yun lang saka ako padabog na lumabas sa office niya.

Wala ng galang-galang dito. Aabot tayo ng presinto sir! Humanda ka!

Parang tanga akong naglalakad papuntang cafeteria dahil tinatadyakan ko pa yung bato na maliit dahil iniisip ko na si sir Ramon yun.

Hindi ako natatakot bumagsak dahil magagawan ko ng paraan pero dahil gusto ko ng magbago ginagawa ko kung pano maging isang regular students pero dahil inaabuso niya baka makita niya kung sino ang nakalaban niya. Kung kailan balak ko ng magbago dun ka naman inaabuso, peste!

Hindi ko namalayan na pumasok ako sa cafeteria habang paulit-ulit yung sinasabi ko. Para na talaga akong baliw dito habang nagsasalita.

"Bwiset na sir yun! Hindi pa daw tapos at talagang dinagdagan pa ulit! Hutek ka sir ipapademanda kita, grr! Magtutuos tayo sa kulungan, bwesit ka!"

"Para kang baliw" napatalon ako sa gulat ng marinig ko yung boses na yun, nag-angat ako ng tingin at dun ko lang namalayan na nasa harap na ako nila grey na tumatawa na. Luminga-linga ako sa paligid dahil hindi ko talaga namalayan na nandito na ko. Inis akong humarap kay grey saka siya pinag-papalo sa braso.

"Bwiset ka din henoh? Sinabi ko bang gulatin mo ko? Ah? Ah? Ah?" Mas lalo silang natawa dahil dun.

"Ano bang nangyayari sayo?" Taas kilay na tanong ni elle na kina-irap ko sa kawalan.

"Ipapademanda ko yung sir Ramon na yun! Humanda siya!"

"Kaya mo?" Ngising sabi ni jake dahilan para tumaas yung isa kong kilay.

"Duh! Palagi ko tong ginagawa sa America!"

"Kyahhh, ana oh my goshhh" nagulat ulit ako ng marinig ko yung boses ni ate Trisha. At mas nagulat ako ng nandito sila vince pero wait sino yung girl na katabi ni karl?

"Oh?"

"Oh my goshhh ana, look guys naka-uniform si ana ng pang-school" napatingin silang lahat sakin dahilan para ngumisi sila kuya josh, vince at karl.

The Cold GuyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant