chapter 39: Pangalan

578 14 0
                                    

Ana POV

Hanggang makabalik ako sa bahay namin ni grey hindi ko na maialis yung tingin ko sa bag ko at sa litrato. Dumaan ako sa likod ng bahay para hindi ako makita ni manang na may dala akong bag. Nang makapasok ako sa kwarto ko tinago ko iyon sa cabinet ko at ni-lock iyon.

Nagpahinga lang ako saglit bago bumaba para kumain na kinagulat ni manang

"Oh hija, hindi kita nakita na pumasok"

"Ah, baka po busy kayo masyado?" Pagsisinungaling ko bago sinimulan ng kumain. Tingin siya ng tingin sakin habang nagtataka pa din pero hindi ko na iyon pinansin. Matapos kong kumain tulad ng sinabi ko kay grey dinalhan ko siya ng pagkain sa kwarto niya.

Sinara ko yung pinto pero hindi niya manlang napansin dahil busy siya sa pinapanood niya. Nilagay ko sa table niya yung tray saka ako lumapit sa kaniya.

"Hindi pa ba tapos yan?" Takang sabi ko pero mukhang wala siyang narinig dahil naka-headphones siya.

Nakaalis na ako lahat-lahat hindi pa tapos yan! Anak ng! Ang tagal ah!

"Huy" sigaw ko dahilan para samaan niya ako ng tingin. Tinanggal ko yung headphones niya saka ko siya tinaasan ng isang kilay.

"What?"

"Anong what? Baka gusto mong kumain boss?"

"Mamaya"

"Anak ka ng.. Huy masama nalilipasan ng gutom!"

"Alam ko yun, tsk"

"Edi kumain ka na, baka magpasubo ka pa?" Ngumisi siya saka tumango.
"Abay loko ka! Bahala ka sa buhay mo!"

"Babe, Sige na"

"Tumahimik ka! Ginagawa mo akong katulong eh!"

"Tsk, hindi noh. Saka ikaw nagsabi" Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Sige, susubuan kita pero papatayin mo na yang pinapanood? Ano deal?"

"Kahit huwag! Deal mo mukha mo!"

"Edi, mukha mo din"

"Gwapo malamang"

"Sabi?"

"Ako!"

"Kaya pala ang hangin" nagkunwari pa ako tinatangay ng hangin dahilan para batuhin niya ako ng unan na agad kong nasalo. "Tsk, kumain ka na"

"Oh, saan ka pupunta?" Takang sabi niya ng tumalikod ako

"Maghahanap ng babae, ano sama ka?"

"Tomboy ka ba?"

"Hindi ko nga alam eh? Ano nga ba!"

"Tsk"

"Ay okay lang sayo yun? Sige, maghahanap na lang ako ng lalaki--"

"Huy, tumigil kang babae ka!"

"Tsk, ayaw mo yun? Bibigyan pa naman kita total bak--"

"Isa, Rhiana" Napabuntong hininga na lang ako saka umupo sa paanan niya.

"Oh eh, bakit hindi mo pa tapusin yang pinapanood mo?"

"Aalis ka eh!"

"Malamang! Syempre matutulog na ako!"

"Okay, good night"

Abay loko toh ah! Sapakin ko kaya toh?

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon