chapter 8: Cold

1K 24 0
                                    

Ana POV

Nang makabalik kami sa hotel bumungad samin sina elle na nag-aalala.

"Bakit ngayon lang kayo? Naulanan tuloy kayo" dada agad ni elle na kinailingan namin ni grey. Lumapit si pia kay grey para bigyan ng towel.

"Here" nagulat ako ng mag-alok ng towel sina vince, karl at jake sakin. Tinitigan ko yung mga towel na inaalok nila.

"Ano ba kayo oh, ana baka magka-sakit ka, kaloka" singit ni jane sabay abot ng towel, tumango naman ako tsaka kinuha. Napapahiya naman binaba nina vince yung towel.

"Bakit ang tagal niyo?" Ani ni pia samin ni grey.

"Biglang umulan kaya naging mahirap kaming nakabalik agad" nilingon ko agad si grey dahil sa sinabi niya. Tumingin naman silang lahat sakin kung nagsasabi siya ng totoo.

"Yes, he's right. Do you expect anything about us?" Sabay-sabay silang napalunok na kina-ilingan ko.

"W-wala"

"Tsk, inaantok na ako" tumalikod ako sa kanila ng pigilan ako ni vince.

"Can I talk to you?"

"Why?.... Wala na tayong dapat pag-usapan dahil tinapos mo na agad" bulong ko sa huling sinabi ko.

"Please"

"Bakit ba---"

Ring... Ring... Ring

Inis kong kinuha yung phone ko sa bag na hawak ni jane. Hindi ko na tinignan ang calling basta ko nalang sinagot.

"Oh?"

"Ay, taray. Nakalimutan agad ang maganda kong tinig" gulat kong tinignan yung calling. Shit

"Sorry"

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Ah gaga toh"

"Pj, wala ako sa mood. Bakit ka napatawag?"

"Okay fine, kaloka. Namimiss na namin kayo"

"I miss you too. Oh sige na bye"

Pinatay ko na agad yung tawag bago humarap ulit kila elle na nakatingin sakin.

"It's pj" yun lang bago ko sila tinalikuran. Sumakay ako sa elevator ng isasara ko na sana ng may humarang na kamay. Bumukas ulit ang pinto at bumungad si vince.

"Please, ana. Mag-usap tayo" sasara ko na sana ulit ang elevator ng pumasok siya agad.

"Ano bang gusto mong pag-usapan ah? Malinaw naman na siya yung pinili mo. Bakit hindi yun ang kausapin mo?"

"Break na kami. Nung umalis ka nakita ko siyang may kasamang lalaki habang gumagawa milagro kaya pumunta ako dito sa pilipinas" napanganga ako sa sinabi niya, anong klaseng babae yun gezz.

"Haha, hindi ko na kasalanan iyon. Masaya na ako kung anong meron ngayon"

"Please ana, comeback to me. I love you" irita kong nilingon siya na nakayuko.

"I love you? Haha. Ano toh teleserye? Malalaman mo lang na mahal mo talaga yung niloko mo ng maghiwalay kayo ng pinili mo?"

Umiling akong tumingin sa mata niya na parang maiiyak na. Inis kong iniwas yung paningin ko sa kaniya.

"Sorry, hindi ko sinasadya. But please comeback to me, baby"

"Nababaliw ka na. Tigilan mo na ako dahil hindi na kita babalikan kahit kelan" matapos kung sabihin yun saktong bumukas yung elevator. Hindi ko na siya nilingon at nag-tuloy-tuloy lang akong pumunta sa unit namin. Napaupo ako sa kama sa sobrang sakit kasabay nun ng pagpatak ng luha ko.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now