chapter 36: Idol

738 18 1
                                    

Pia POV

Nang mahihatid ako ni drake sa bahay. Tumingin siya sakin saka ako hinawakan sa kamay.

"Sorry again" nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

Pinaalala mo na naman!

Simula nung nalaman ko yung ginawa niya sakin naging malamig na pakikitungo ko sa kaniya. Pero hindi ko kayang makipag-hiwalay sa kaniya dahil Mahal ko siya, mahal na mahal. Kaya lang naman masama yung tingin ko kay ana dahil sa ginawa niya. Pinanood niya pa talaga yung video namin sa ibang tao.

Tsk, sino ka ba talaga?

"Okay na yun, basta huwag mo na lang uulitin ah? Hindi mo naman na dapat gawin yun dahil kung ano yung sasabihin mo gagawin ko. Ganun kita kamahal"

"Mahal na Mahal din kita pia. Hanggang ngayon sinisisi ko pa din yung sarili ko dahil sa ginawa ko sayo. Para kitang ginawang baboy" pinunasan ko yung luha niya saka ko siya hinalikan ng smack sa labi.

"Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Siguro tama si ana. Hindi ko iniingatan yung sarili ko, pero ayos lang dahil yung Mahal ko ang gumawa nun. Pero masakit kasi kung sino pa yung Mahal ko para akong ginawang baboy"

"Sweetie, sorry please patawarin mo ko"

"Pinapatawad na kita pero hindi pa din bumabalik yung tiwala ko sayo"

"Naiintindihan ko, kasalanan ko naman eh, pero gagawin ko ang lahat para bumalik yung tiwala mo sakin" tumango na lang ako saka ngumiti. Hinawakan niya ako sa pisngi kaya hinawakan ko yung kamay niya dun.

"Umuwi ka na, salamat sa paghatid"

"Sige, good night, I love you"

"Good night, I love you too" hinalikan niya muna ako sa noo bago pumasok sa loob ng bahay. Pinanood ko muna yung sasakyan niya na umalis bago ako umakyat sa kwarto ko. Humiga ako saka tumingin sa kisame.

Sana mapatawad mo ako trace kung nasaktan kita habang wala ka pang alam. Siguro tama na naman si ana na malandi talaga ako. Sorry kung ganun dahil hindi lang naman si ana ang nagsabi sakin nun madami pa simula noon.

Unknown POV

"Kailan mo balak umuwi ng pilipinas?" Tanong ni ate na kina-irap ko.

"Duh! Malapit na. Babawiin ko lang kung ano yung akin noon"

"Haha, parehas pala tayo"

Malapit na akong bumalik mahal ko. At sisiguraduhin ko na pagbalik ko. Akin ka na ulit. Babawiin kita kung sino ang may hawak sayo. Humanda siya!

"Humanda sakin kung sino ang kuma-kandarapa sa kaniya!" Sabay hagis ko ng baso sa malayo dahilan para mabasag iyon ng malakas.

Ganiyan ang gagawin ko sa kaniya!

"Huwag kang mag-alala lil'sis babawiin ko din yung akin. Bwiset na trisha yun mang-aagaw!"

"Akala ko ba si ana? Yung ex niya? Bakit nabaling kay trisha?"

"Duh! Ayaw ko na si vince. At ang gusto--ops mahal ko na ay si josh. Oh my goshh. Josh ko wait mo ko" 

"So, humanda si Trisha, dahil aagawin mo na naman yung asawa niya, haha"

The Cold GuyWhere stories live. Discover now