chapter 43: Teammates

559 11 0
                                    

Ana POV

Lumipas ang ilang araw na naging busy kaming lahat dahil sa gaganapin na acquaintance party mamayang gabi. Nandidito kaming tatlo sa room upang maglinis dahil kami daw yung cleaners na sinasabi nila.

"Bwiset naman oh! Mamayang gabi na nga ang acquaintance party tapos pinag-linis pa tayo! Hindi na lang nila ipa-bukas para makapag-prepared tayo ngayon!" Inis na sabi ni elle sabay balibag ng upuan sa harap na kinatawa namin ni jane.

"Relax haha, kung pwede ko nga lang sumbatan ngayon si sir ginawa ko na, Aba! Akalain mo yun hindi pa daw ako tapos sa activity na pinapagawa niya?"

"Eh, bakit hindi mo sumbong kay dean?"

"Kapag ginawa ko yun! Magiging komplekado ang lahat dahil hindi ko ito teritoryo"

"You have a point" napabuntong hininga na lang ako saka nagwalis paharap.

"Excited na ako mamaya, yieee" kinikilig na sabi ni jane habang hawak yung walis tambo.

"Tsk, marami na namang girls na lalapit sa kanila!" Mataray na sabi ni elle habang inaayos na yung upuan.

"Malamang sikat sila eh! Ano nga ulit sila? B3 po!"

"Whatever jane"

"Nasan pala silang tatlo?" Takang tanong ko na kina-irap nila.

"Makakalimutin ka girl? Basketball player sila kaya may practice na sila ngayon, dahil malapit na ang intramurals pero bago yun, birthday ko muna, hehe" masayang sabi ni jane na kinangiwi namin ni elle.

"Oo nga pala, malapit na ang intramurals! Anong sports kukunin niyo?"

"Volleyball sakin!" Tili ni elle na kinailingan namin.

"Sayo, jane?" Baling ko dito na nag-iisip bago tumingin sakin na nakangiti.

"Hindi ako pwede sa sports dahil kinuha ako ng coach ng basketball para maging isang Cheer dance nila. Kaya makakasama ko ang tatlong impakta! Dahil cheer dance din sila matagal na!"

"Haha, goodluck nalang!"

"Oo nga eh! Panigurado aawayin na naman nila ako"

"Magpapatalo ka ba?"

"Naah, kapal nila!"

"Tagal ko na din silang hindi nakikita, ah?"

"Malamang dahil may ginagawa sila"

"Ah? Eh, ano naman?"

"Ay, late update ka gaga! Nagpra-practice sila ng sasayawin namin para sa cheer dance!"

"Ah, ganun? Okay"

"Eh, ikaw? Anong sports kukunin mo?"

"Badminton, eh!"

"Wow, sexy ah?"

"Tsk, nagustuhan ko siya dahil nakaka-exercise habang inihahampas yung badminton!"

"Sabagay! Tama ka!"

"Nagawa niyo pa talagang magkwentuhan muna bago i-ayos ang mga upuan?" Agad kaming napatingin sa pinto ng iluwa nun si sir ramon na ang sama na ng tingin samin.

Bwiset na matanda toh! Kararating mo lang kaya hindi mo kami nakita na naglilinis!

"Sir, tapos na po" sabay naming tatlong sabi dito. Nilibot niya yung paningin niya sa buong kwarto bago tumingin ulit samin.

"Okay, makakaalis na kayo, ms. Chua gumawa ka ulit ng activity 31, 32, 33, 34, 35!" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now