chapter 34: Celebration

796 17 0
                                    

Ana POV

Matapos tumawag ni elle sakin hindi na ako makapakali kung ano ba yung dapat I-celebrate. Kinakabahan din ako dahil hindi ako nakapasok kanina baka balatan ako ng buhay ni sir lagot!

Tsk. Kailan ka pa natakot ana? Remember ikaw ang kinatatakutan! Baka may magandang nangyari kila elle hindi kaya---- oh my gosh. Hindi pwede bata pa sila!

Napapa-iling ako sa naisip ko saka tumigil kakatype dahil tapos na din sa wakas. Tumayo ako saka prinint yung ginawa ko. Tumingin ako kay grey na kanina pa tulog. Marami siguro siyang nainom kanina!

Tapos may celebration pa! Anak ng.. Tsk

Tumingin ako sa relo ko na niregalo ni jane nun. 3:30pm na pala. Tumingin muli ako kay grey, mamaya ko na lang siya gigisingin. Nang matapos kong ma-print pinatay ko na lahat ng makina at saksakan bago lumabas ng kwarto niya.

Nilagay ko muna sa bag yung ginawa ko bago bumaba para dalhan siya ng pagkain at gamot dahil panigurado masakit ang ulo nun. Bumalik muli ako sa kwarto niya saka nilagay sa table niya yung dala ko. Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan yung buhok niyang nakaharang sa mata niya.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na Mahal mo din ako. At lalong hindi ako makapaniwala na magagawa ko lahat ng toh. Buti na lang hindi ako sumuko! Nagbabalak na akong sumuko pero dahil mapaglaro ang tadhana. Tignan mo ang nangyari, tsk.

"Tunaw na ko sa titig mo" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko yung boses niya saka niya pa lang dahan-dahang minulat yung mata niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito dahil sa gulat. Pinagpapalo ko siya na kinatawa niya.

"Papatayin mo ba ako sa gulat? Ah?" Saka tumalikod sa kaniya na mas lalo niyang kinatawa.

"Hindi ko naman alam na magugulat ka pala!"

"Tsk, Shunga ka ba? Akala ko tulog ka tapos bigla ka na lang magsasalita!"

"Haha, sorry"

"Tapos pagtatawanan mo pa ko!"

"Yung mukha mo kasi, haha"

"Ano!?" Pinagsingkitan ko siya ng mata sabay lapit ng mukha .

"Yung mukha mo! Sobrang epic, haha"

"Tsk" lumayo ako sa kaniya saka siya tinaasan ng kilay. "Bumangon ka na diyan!"

"Bakit? Siguro may gagawin ka sakin noh!"

"ASA!"

"Yang style na yan bulok na!"

"Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?" Ngumisi siya dahilan para tumaas yung isa kong kilay. Pero agad napalitan ng gulat ng nginuso niya yung dibdib ko. "Bwiset kang manyak ka! Pinagnanasahan mo ba ko?"

"Asa! Flat ka nga!"

"Ano!? Ang kapal ng mukha mo!"

"Bakit hindi ba? Oh sige patingin!" Mas lalo akong namula sa sinabi niya dahilan para tumawa siya ng malakas.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now