chapter 22: Pia

796 19 0
                                    

Elle POV

Nang makadating kami sa resort nahiga agad ako sa kama. Habang sila ana nag-aayos ng gamit.

"May 2 days pa pala tayo dito. Diba?" Tanong ko saka tumingin kay miguel na nag-aayos nang gamit.

"Yes, kaya kailangan na nating sulitin, baby"

"Ah, guys sa isang araw na pala yung punta natin sa anniversary ng resto at 7:00pm" nakangiting sabi ni ana na kinatuwa namin.

"Linggo yun right?" Tanong ko na kinatango niya. Hinawakan ko yung kamay ni miguel na kinangiti niya.

"Magpapalambing ka ba? Haha" binagsak ko yung kamay niya sa sinabi niya na lalo niyang kinatawa.
"Sabi ko na nga ba"

"Tsk, hindi naman ako nagpapalambing mr. Quinto"

"Asus, sabihin mo lang, gagawin ko, haha"

"Eh, ikaw kaya ang madalas magpalambing, sabihin mong hindi?"

"Hindi"

"Bahala ka nga diyan" tumayo ako saka pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos akong maligo lumabas ako ng makita ko agad si Miguel na nakanguso sa kama. Nilibot ko yung paningin ko saka ko nakita si ana na tulog. Lumapit ako kay miguel pero hindi nagbago yung reaksyon niya. "Anong ini-emote mo diyan?"

"Hmmp"

"Abay sira ba ulo mo?" Sabi ko ng tumalikod siya sakin.

"Yan ka na naman. Hmp"

"Anong yan ka na naman?"

"Yan. Yang linya mong yan"

"Oh, anong problema sa linya kong toh?"

"Kainis ka naman eh"

"Tsk, para kang babae" nag-suklay ako saka siya hinarap. "Ano bang tinatampo-tampo mo diyan?"

"Wala ka ba talagang alam kapag ganito ako?"

"Abay sira ka pala eh, magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Bahala ka sa buhay mo" sabay talukbong ng unan.

Abay sira talaga ang ulo, napaka-tampuhin.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kung ano ini-emote mo?"

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Ah, ganun? So pwede ko ng tawagan si danny?" Ngising sabi ko na agad siyang napabangon saka ako hinarap.
"Tsup" hinalikan ko agad siya pero smack lang. "Huwag ka ng magtampo, tsaka joke ko lang yun, hehe"

"Isa pa nga"

"Ah? Ang alin?"

"Kiss mo ulit ako"

"Tsk, tama na yun"

"Dali na"

"Ayoko"

"Hahalikan mo ko o ako hahalik sayo--" pinutol ko na agad yung sasabihin niya ng halikan ko siya.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

Ako na din ang kumalas saka ko hinawakan yung mukha niyang nakangiti na.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now