chapter 32: The Truth

747 15 0
                                    

Trace POV

Matapos ng klase dumeretso na agad kami sa parking para hintayin yung tatlo. Pero dahil ayaw kong makita si ana nauna na akong umuwi. Pabagsak kong hiniga yung katawan ko sa sofa dahil sa pagod.

Kailangan mo ba talagang iwasan si ana, trace? Oo, trace kailangan mong na siyang iwasan dahil kung ano-ano na nararamdaman mo sa kaniya! Dapat kay pia ka lang may nararamdaman!

Tumayo ako para uminom ng tubig saka tinawagan si pia. Pero nung una ko siyang tinawagan hindi niya sinagot hanggang sa maka-tatlong tawag ko sa kaniya saka niya pa lang sinagot.

"Hello trace?"

"Naka-uwi na ba kayo ng maayos?"

"Oo, nandito na kami sa tagaytay, kakatapos lang din ng klase namin"

"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun, umuwi ka agad ah?"

"Oo, ikaw ba? Nakauwi ka na?"

"Kakauwi lang, mag-iingat kang umuwi! Wala na kami diyan"

"Asus, sweet mo naman!"

"Pia"

"Tsk, haha oo na, pano ibababa ko na toh! Sasakay na ako ng jeep!"

"Sige, text mo ko kung nakauwi ka na!"

"Yes boss, hehe bye" yun lang saka niya na binaba yung tawag.

Ganiyan nga trace, dapat si pia lang! Huwag ka ng magka-gusto sa iba!

Tumingin ako sa relo ko na agad kong pinag-taka 6:01pm na pero wala pa din si ana.

Siya na naman iniisip mo trace tsk.

Umiling na lang ako saka dumeretso na sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo para maligo at magbihis bago humiga sa kama.

Bakit ba hindi ka mawala-wala sa isip ko!

Napabalikwas ako ng bangon ng may mag-text pero agad akong nadismaya ng si pia yung Nag-text sakin.

Bakit ba siya ang inaasahan mo!

From: ❤pia❤

Trace, home safe :-)

Hindi ko na siya nireplyan dahil nawala agad ako sa mood. Napahiga ulit ako sa kama saka sinubukan kong matulog pero hindi talaga ako makatulog dahil iniisip ko si ana.

Nandiyan na kaya siya? Pero bakit wala pa din akong naririnig ng pinto ng kwarto niya? Nasa iisa nga kayo ng bubong pero parang ikaw lang mag-isa lagi! Parang ang layo-layo niyo sa isa't-isa.

"Arghh, bakit ba hindi ka mawala-wala sa isip ko? Bakit ba kasi trace hindi mo pa aminin! Na ano na may gusto ako sa kaniya? The hell! Never mangyayari yun!" Inis na sigaw ko dito

The Cold GuyWhere stories live. Discover now