12. Mananatili

360 69 0
                                    

Ang ibigin ka ay aking pinili, walang nagtulak sa akin na sa iyo'y manatili.
Kaya naman hindi ko pinagsisisihan ang bawat sandali, sapagka't sa puso ko ikaw lang ang natatangi.

Masasayang araw sa atin ay nanatili. Ngiti na nagpapakita ng maaliwalas na bahaghari.
Walang hanggang araw ay ang aking minimithi, sapagka't nais kong huwag ng umalis at manatili.

Ngunit ang buhay na ito ay may hangganan, at kung dumating man ang huling hininga ay nais kong sa'yo pa rin tumahan, sapagka't tapat ang aking pagmamahal.

Kamatayan man ang magiging katapusan, datapuwa't ang pag-ibig ko ay magpakailanman.

Ikaw na natatanging nilalang, nawa'y sa kabilang mundo ay maalala kong ikaw lang ang aking minahal.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon