6. Sa Paglabas Mo Sa Aking Mundo

319 56 0
                                    

'Sa Paglabas Mo Sa Aking Mundo'
(Mundo Ng Ikatututo)

Nawa'y sa paglabas mo sa aking mundo, ang mga paghihirap ko't pagtitiis ay magsisilbing pag-asa sa iyo. Na hindi luha ang makikita sa mga mata mo, bagkus tanglaw sa mga bagay na ipinasaksi sa iyo.

Sa paglabas mo sa aking mundo, nawa'y bitbitin mo ang mga aral na pabaon ko. Ikintal mo sa iyong leeg, ingatan mo sa iyong puso. Ito ang magsisilbing gabay mo sa lumilikong mundo.

Gamitin mo itong sulo hindi upang gawing sandata sa pakikidigma, kundi upang makibahagi at magbigay sa napupunding siga.

Ang liwanag mong tinaglay ay iyong iwagayway, at ipakitang isa kang kabataan na may natatanging ilaw.

Nawa'y sa paglabas mo sa aking mundo, maging instrumento ka ng pag-ibig na ipinamalas ko. Gamitin mo ito ng wasto upang ang lahat ng makarinig sa iyo ay lubhang matuto.

Taas noo mong ipakita na isa kang mabuting kabataan, sa puso't sa gawa't maging sa salita, at huwag mo itong ikakahiya. Katulad ng perlas sa ilalim ng dagat at ginto sa ilalim ng lupa.

Huwag mong ikakahiya na isa kang natatanging kabataan na lumalayo sa karahasan, kalayawan, at kahalayan.

Ang iyong isip ay punuin mo pa ng pantas na kaisipan, dunong, at pagmamahal sa bayan.

Magsilbi kang putong ng mga bayaning nagbuwis ng buhay.

At ang pagmamalasakit, maging ang pag-ibig mo ang magsisilbing anino ng pag-ibig ko.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now