50. Nakabibighaning Isipan

196 33 0
                                    

"Tunay nga na nahihigitan ang magandang mukha ng talino at kaalaman."

'Nakabibighaning Isipan'

Nakabibighaning isipan pinapangarap ng ilan,
ngunit ikaw ay tila likas na pinagkalooban.

Ang iyong angking katalinuhan sa puso ko'y nagbigay ng palaisipan,
at dilemang kailangan ng masolusyonan.

Pusong ikaw na ang nilalaman, at
pag-ibig sa iyong natatanging isipan.

Pusong handa ng makipag-unahan sa mga taong naakit na rin sa iyong kaisipan.

Tunay nga na nahihigitan ang magandang mukha ng talino at kaalaman.

Tila nababalot ng hiwaga
ang iyong nakakubling pagkatao,
na bawat isa'y hangad na matuklasan ito.

At ako na ikaw lang ang gusto, ay nagbabakasakaling makapaglaro man lang at makatakbo sa isipan mo.

Maging problema sa iyong matematikang kaisapan,
maging hiwaga na magbigay sa iyo ng palaisipan.

At makapagbigay sa isipan mo ng katanungan kung bakit ako na ang paksa sa loob ng iyong isipan?
At sa puso mo magmumula ang kasagutan, gayon na rin ng katiyakan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now