Pag-ibig sa masalimuot na daigdig, na kahit anong laban ay hindi madadaig.Hirap at pasakit, may lakas pa ba upang paghilumin ang sakit?
Bakit napakapait nitong kapalarang nagkakait?
Tagumpay sa ating pag-ibig
ay tila hindi na yata makakamit.Mga luha sa mga mata, nalugmok sa kabigatang tila hindi na makakaya.
Nanlulumong mga paa, pusong tuluyan ng inalisan ng pag-asa.
Namumulang mga mata, sa langit tumitingala.
Mayroon nga bang may kapal na nagmamalasakit sa lupa?
Kung mayroon mang nakaririnig, nawa'y dinggin ang panalangin ng pusong walang tigil sa hinaing.
Palitan ng liwanag ang masalimuot na dilim,
at pag-asa sa pusong binabalutan na ng lagim.Dinggin ang panalangin ng pusong walang tigil sa daing.
Ang pag-asa'y muling iparating
upang magkaroon ng lakas na muling harapin ang tila walang humpay na pasanin.Sapagka't ang hangad lang naman ay ang magtagumpay sa pag-ibig na matagal ng inaasam namin.
YOU ARE READING
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...