30. Estranghero

288 45 0
                                    

"Ipinagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko, ngunit aniya'y may nilalaman na ang kanyang puso, at kahit na isa akong prinsesa ay hindi ko raw siya magagawang mapasuko.

Tumigil na raw ako't huminto,
Sapagka't hindi ako ang babae na nais niyang itakbo palayo."

'Estranghero'

Isang estranghero ang bigla na lang dumating sa aming palasyo.
Noong una'y akala ko'y naliligaw lang siya at hindi nalalaman kung saan patungo, ngunit siya'y napag-atasang manilbihan rito.

Sa unang pagkakataon pa lang ay hindi na kami magkasundo,
At sa kanyang pamamalagi ay napapadalas rin ang aming pagtatalo. Sapagka't isa siyang Estrangherong antipatiko.

Ngunit aaminin kong napapatawa niya ako minsan sa kanyang mga biro.

Isang Estranghero na sa kalaunan'y nakilala ko ng husto.
Siya pala ay isang Estrangherong may ginuntuang puso.

Kaya naman ang Estrangherong ito, ay lihim na napasok maging ang aking puso.

Parang aso't pusang nagtatalo,
Na animo'y mga batang hindi nagkakasundo,
ngunit bakit ngayon ang Estrangherong ito ay ayoko nang mapalayo?

Aksidente lang ang aming pagtatagpo,
Ngunit inaangkin na siya nitong aking puso.

Ang pagkainis sa kanya ay napapalitan na ng pagngiti ko,
At kalungkutan kapag ang mata ko'y hindi siya nakakatagpo.

Akala ko dadaan lang siya sa buhay ko, ngunit bakit naging mahalagang tauhan na siya nito?

Akala ko daraan lang siya sa buhay ko, ngunit bakit ako nagkakaganito?

Ipinagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko, ngunit aniya'y may nilalaman na ang kanyang puso, at kahit na isa akong prinsesa ay hindi ko raw siya magagawang mapasuko.

Nag-iisa lang daw ang babaeng iyon sa kanyang puso, at kahit na anong pilit ko, hindi ko mapapasok ang nakakandadong pinto.
Sapagka't ang tanging makakabukas lang nito ay siya rin na nagmula sa kanyang puso.

Tumigil na raw ako't huminto,
Sapagka't hindi ako ang babae na nais niyang itakbo palayo.

Ayaw niya raw akong makaramdam ng pagkabigo, kaya naman siya na itong lumalayo.

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sapagka't sa kanyang paglayo ay mas lalo siyang napapalapit sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sapagka't sa tuwing sinusubukan ko siyang kalimutan mas lalo ko lang siyang iisipin.

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sapagka't sa tuwing sinusubukan kong alisin ang aking damdamin ay mas lalo lang itong lumalalim.

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sapagka't ang nararamdaman ko na ang nagdidikta para sa akin.

Ano ang aking gagawin?

Para akong nasisiraan ng bait sapagka't ang pagngiti niya na ngayon sa akin ay ipinagkakait.

Para akong nasisiraan ng bait, kapag sinasabi niyang wala akong puwang sa puso niya ng paulit-ulit.


Para akong nasisiraan ng bait, sapagka't ibinibigay ko sa kanya ang buong puso ko, ngunit ayaw niyang tumanggap kahit maliit.

Hindi ko akalaing isa siyang Estrangherong magdudulot sa akin ng pag-ibig, gayon din ng sakit.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon