45. Salita Ng Aking Puso

203 29 0
                                    

"Ihambing ka man sa isang marupok na sisidlan, iyon ay dahil marapat kang alagaan at ingatan.

Kaya naman hayaan mong sa kahinaan mo, ako ang magiging bakal na sandigan mo."

'Salita ng Aking Puso'

Kapag pagod ka na, hayaan mong ako muna ang magsilbing mga kamay at paa mo.

Hayaan mong ako ang bumangon para sa iyo.

Iuunat ko ang katawan ko upang maging lakas mo.

Hindi mo kailangang suklian ang mga bagay na ginagawa ko, sapat na ang pagmamahal mo.

Sapat na ang pagpaparamdam mo sa akin na mahal mo ako.

Humarap tayo sa langit at nangakong magmamahalan sa hirap at ginhawa.
Kaya hayaan mong sa paghihirap ng puso mo, ako ang magsilbing ginhawa nito.

Hindi tayo nangako upang balewalain ito.

Nangako tayo sa katapatan ng ating mga puso.

Kaya bahagi ako sa anumang paghihirap mo, at magkasama nating haharapin ito.
Magkatuwang tayo sa lahat ng bagay na ibibigay ng buhay na ito.

Ihambing ka man sa isang marupok na sisidlan, iyon ay dahil marapat kang alagaan at ingatan.

Kaya naman hayaan mong sa kahinaan mo, ako ang magiging bakal na sandigan mo.


Hindi kita iiwan, bagkus sa lahat ng panahon ay sasamahan. Buhusan man tayo ng init at ulan,
magbigay man ang langit ng liwanag at kadiliman.

Yan ang ipinangako ko sa iyo at marapat lang na tuparin ko ito, hindi dahil sa pangako, kundi dahil mahal kita. Iyon ang salita ng aking puso.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now