75: Nakatali Sa Isang Pag-ibig na hindi Maglalaho

70 8 0
                                    

Nakikita ko ang pagnanais sa iyong mga mata,
Ngunit hindi ko maibibigay ang pag-ibig na nais mo sa akin sapagka't ang puso ko'y nakatali pa rin sa babae ng aking nakaraan.

Paumanhin, hindi ko magawang maging kagustuhan mo.
Ang aking puso'y nakalaan para sa isang pag-ibig na hindi maglalaho.
Hindi ko maipipilit ang isang pag-ibig na hindi nakikita ng aking puso.

Alam kong masakit at mahirap intindihin
Kung bakit hindi ko maibigay ang pag-ibig na iyong hinihiling.
Ngunit ang puso ko'y nasugatan, dumaan sa hirap.
Hindi ko kayang isugal para lang hindi ka masaktan.

Maunawaan mo sana, hindi ito tungkol sa iyo.
Ito'y matinding laban sa loob ko.
Inaasahan kong makahanap ka ng taong mas magbibigay sa iyo ng isang tunay na pag-ibig.

Pinahahalagahan ko ang iyong mga damdamin, ang iyong wagas na pag-ibig.
Ngunit hindi ko maibibigay ang iyong hinihiling.
Inaasahan kong makahanap ka ng kaligayahan, isang tunay na pag-ibig.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now