20. Nabago

312 58 0
                                    

Hindi natin mapipigilan ang takbo ng mundo, ngunit sa mundo maaari tayong tumigil sa pagtakbo. Halika't magpahinga muna tayo at hanapin natin kung saan ang nabago.

Ang dating malinaw sa akin ay naging malabo.
Kasalanan ba ito ng tukso kaya ka napaliko?
Hindi ako manhid para hindi ito mapagtanto. Mga mata mong nangungusap na hindi nagtatago.

Sabihin mo sa akin kung bakit ka nagkaganyan. Ang mainit mong pagmamahal ay naging maligamgam. Sa akin ba ay wala nang pakiramdam?

Tumingin ka sa aking mga mata. Wag mo akong sagutin ng buntong hininga. Handa akong makinig dahil mayroon akong tainga. Nawala na ba ang iyong paglingap?

Nais kong marinig ang mga kataga na sa bibig mo nagmumula. Ayokong manghula, ayokong manguna. Ngunit sapat na ang nararandaman ko para iyon ay mapuna.

Sabihin mo sa akin kung bakit ka nauna at hinayaan mo akong tumakbo mag-isa. Hindi ka na ba masaya o nakahanap ka na ng iba?

Hindi ako magagalit. Sabihin mo sa akin ang totoo at hindi na ako mangungulit. Hindi naman ako bubble gum para dumikit at ang sarili ko'y ipagpumilit, kahit na ang puso ko'y mapunit at sa sakit mamilipit.

Hindi naman ako madamot para ika'y ipagkait. Sabihin mo lang sa akin kung nagawa mo na ba akong ipagpalit? Kahit na ang mata ko'y nag-iinit sa mga luhang nangingilid, at buong kalamnan ko'y nanginginig, marinig ko lang sayo ay hindi na ako iimik.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now