71: Mag-isa Sa Mga Pinangarap Natin

71 8 0
                                    

Isang araw na naman ang lumipas na may pangungulila sa iyo,

Sa pagnanais kong makita ka ay napapikit ako.

Bakit ang hirap turuan nitong puso?

Ang hirap bumangon para sa panibagong araw na hindi ka na muling makakasama.

Ang hirap tanggapin na sa mga araw na pinangarap natin, ako na lang ang tatayong mag-isa.

Masakit, sapagka't ikaw ang taong hindi dapat kong mahalin, ngunit iniisip ko pa rin.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now