16. Ikaw At Ako

350 59 0
                                    

Bawat salita ay nais kong itugma, ngunit ang Ikaw at Ako ay hindi yata akma.

Kung ang bawat pag-ulan ay may dalang baha, ang bawat sakit ay may dalang luha.
Sa bawat sakit na walang tila, lalong humahapdi sa tuwing siya'y nakikita.

Maaaring sa akin ay hindi ka na masaya, sapagka't nahanap mo na ang kasiyahan sa iba.

Nais kong ipaalala sayo ang mga matatamis mong salita, ngunit hindi ko na yata magagawa, sapagka't pati ang ipinangako mo sa akin ay sa iba mo na ginagawa.

Pinilit kong kalimutan ka ngunit hindi ko kaya, dahil sa likod ng sakit ay saya, na nanatili pa rin na nakatago sa puso't ala-ala.

Pinili mo siya, sapagkat mahal mo na siya, ngunit paano naman ako na mahal ka?

Ganoon lang ba kadaling balewalain ang matagal nating pinagsamahan, na magagawa mong kalimutan sa sandaling kasiyahan?

Nais kong maging masaya ka, ngunit bakit sa piling pa ng iba?

Hindi naman kita kinulong para naisin mong lumaya. Sapat din naman ang binigay ko para ika'y lumigaya.

Ngunit alam ko na kahit anong pilit ko, aalis at aalis ka pa rin sa piling ko, lalo na kung ang damdamin mo ay hindi kasing lalim ng pag-ibig ko.

Wag mo na sana itong isisi kay tadhana na sasabihin mong maaaring hindi lang tayo ang nakatakda, dahil unang-una ay ikaw ang nagpasya na iiwan ako para sa kanya.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt