46. Tali Ng Maling Pagibig

244 33 0
                                    

Wagas ninyong pag-iibigan ay aking kapighatian.
Mga ngiti ninyo't tawanan ay aking kalungkutan.
Alam kong hindi tama ang aking nararamdaman, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan.

Ako ang dahilan kung bakit nagpatuloy ang inyong naudlot na pagmamahalan,
Nguni't hindi ko inaasahang na ako rin ang labis na masasaktan.

Bakit napakahirap nitong pag-ibig na pigilan?
Bakit kahit na anong gawin kong pagpapaliwanag ay patuloy pa rin akong sinasalangsang?


Nais kong limutin ang aking nararamdaman, ngunit patuloy pa rin itong nanariwa sa aking isipan.
Nais kong ibaon ito sa kailaliman, ngunit patuloy pa rin itong pumapaibabaw sa aking kalooban.

Ayaw kong maging isang hadlang sa inyong pag-iibigan, ngunit tila iyon ang iginuhit sa akin ng kapalaran.


Ngunit hindi ko hahayaang sumunod na lamang at maging sagabal. Kaya naman sisikapin ko pa, hanggang sa tuluyan kong maputol ang tali ng maling pag-ibig na nagbibigay lang sa akin ng pasakit at pasan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now