48. Kasiyahan, Sakit, At Kalungkutan

190 31 0
                                    

'Kasiyahan, Sakit, At Kalungkutan:

Sa Punto De Vista Ni Eros Pragma sa kwentong pinamagatang Eros.

May mga araw na puno ng kasiyahan, at mga araw na puno ng kalungkutan.

Ang totoo alam ko lang talaga na ang buhay ay parehong binubuo ng kasiyahan, sakit at kalungkutan.

Kapag ang isang ina ay manganganak ng isang sanggol, parehong naroon ang sakit at kasiyahan: sakit sa panganganak at kasiyahan kapag ito'y naipanganak na.

Ang sakit at kalungkutan ay hindi maiiwasang bagay, ngunit sa sakit, natutulungan tayo nitong malaman kung ano ang ating gagawin, at kung may mga sugat ba na kailangan nating gamutin at paghilumin.

Hindi palaging masaya ang aking buhay. Nakakaranas din ako ng sakit at kalungkutan. Ngunit sa mga sakit, natuto akong lumikha ng mga magagandang bagay mula sa mga ito.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now