21. Sinisinta Ng Aking Kaluluwa

317 54 0
                                    

Ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, maaari mo bang saysayin sa akin kung saan ka nagmula?

Sa isip ko, hindi ka mawawala, kaya naman sa mga oras na ito, laman ka ng aking mga tula.

Naisip ko na ikaw at ako ay maaaring magtugma, at hindi ako binigo ng mga salita. Maaari bang maging tayo ang mga kataga, upang may ikaw at ako hanggang sa pagtanda?

Oh, saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, bakit ang aking katawan ay nanglulupaypay sa tuwing hindi ka nakikita? Ano ba ang gamot sa unang pag-ibig na sa iyo ko lang nakita? Isang taong nakasumpong ako ng kapayapaan sa unang pagkikita.

Oh, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, maaari mo bang saysayin sa akin kung saan ka nagmula? Sapagka't nais ng aking puso na muli kang makita.

Kinagigiliwan ko ang iyong maamong mukha, ang iyong magagandang mata kahit hindi ako nakikita. Nawa'y sa pagpikit ng aking mga mata, kahit sa panaginip na lang tayo'y magkita.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now