89: Ikaw, Isang Biyayang Likha Ng Kalikasan

69 6 0
                                    

Sa bayan ng mga isipan, kung saan ang mga pangarap ay nagsisimula,
May ilan na nangangarap sa gabi't sa umaga.

Ngunit ikaw, isang biyayang likha ng kalikasan,
Ang iyong katalinuhan, nagbibigay-buhay sa mga palaisipan.

Puso na puno ng ikaw, pag-ibig sa iyong natatanging kaisipan,
Handang sumabay sa mga kaluluwang sayo'y nahuhumaling ng ganap.

Labis ang kagandahan ng iyong talino at karunungan,
Nakabalot sa hiwaga, hindi mapantayan ng kahit sinuman.

Bawat isa'y naghangad na silipin ang iyong kabatiran,
Ako, umaasang makibahagi sa iyong kaisipan.
Maging suliranin man sa iyong kaisipan ng matematika,
O hiwaga na magpapalabas ng mga palaisipan sa iyong isipan.

Upang magtampok ng mga tanong sa iyong kaisipan,
Bakit ako ang paksa na iyong pinagtutuunan?
Mula sa iyong puso, doon matatagpuan ang kasagutan,
Sa pag-ibig na walang hanggan, ang katiyakan ay matatagpuan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceWhere stories live. Discover now