4

592 52 10
                                    

Like what always happens, I stared at the ceiling. As if time went fast, muling sumalubong na lang ulit sa akin ang bukang liwayway. I spent those ours staring at the ceiling, or trying to sleep.

I glanced at my lamp table to see my glass empty.

I heaved a sigh. I'm slowly getting used to it.

Something is changing again. . . and I don't know how and why. I don't like changes.

Changes are constant, but it doesn't mean that there should one. Walang kailangang magbago.

Mag-iinat na sana ako ng katawan nang may napansin ako. Amoy na amoy ko ang fabric conditioner mula sa kumot ko. Kumunot ang noo ko.

Hindi ito ang ginagamit ko.

It smells like mint. Mas lalo akong nagtaka. Mali ba ang na-spray ko kahapon?

Hindi maipinta ang mukha ko nang bumangon ako, mas lalo itong hindi maipinta nang pumasok ako sa banyo. Wala ang shampoo at conditioner na bagong lagay ko, kahit ang toothpaste at bagong tissues.

Nakapag-grocery na si Drea kahapon, 'di ba?

Nakasimangot kong sinaid ang natitirang meron pa sa banyo para makapaglinis sa sarili ko. I'm pissed. Kalilinis ko lang kahapon, at nag-restock na rin ako. Pero wala akong magamit ngayon.

Kahit hindi maganda ang bungad ng araw ko, agad pa rin akong nag-ayos dahil maglalaba ako ngayon.

Today is laundry day. I need to get going.

Pagkalabas ko ng kwarto ay napunta kaagad ang tingin ko sa kusina na katapat lang nito. Wala na namang agahan, hindi nagluto si Drea.

"Drea, nasaan na 'yong mga pinamili mo?" tanong ko. Nilakasan ko ang boses ko para marinig niya sa loob ng kwarto niya.

Hindi nagtagal, lumabas siya ng silid niya, maayos ang damit. Kunot noo niya 'kong tinignan. "Huh? Andoon, nasa supermarket pa," sarkastikong sagot niya. She was about to chuckle when she saw my reaction.

Napasimangot ako. "Maayos akong nagtatanong."

Her smile faded as she look at me, more confused. "What do you mean?" she asked. "Ngayon pa lang ako bibili, 'di ba? Sinabi ko sayo kahapon."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Hindi ba bumili ka na kahapon? Binigyan kita ng pera."

Tinignan ako ni Drea at siningkitan niya 'ko ng mata. "Nako, pagdating sa pera, hindi mo 'ko magugulangan ha," mapang-asar na sagot niya. "Naglalaba ka kahapon 'no! Wala kang binigay sa 'kin."

Umangat ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Napailing ako.

"Ngayon pa lang ako-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang malipat ang tingin ko sa bakuran. Sumalubong sa akin ang hinahangin na mga damit ko. Nagbago ang ekspresyon ko.

Agad kong kinuha ang wallet ko sa bulsa at bumungad sa akin ang pera kong walang bawas. 

Para akong mababaliw kaiiisip. I'm pretty sure that I remembered it right. There's no way that I missed those things. Hindi ako ganoong klase ng tao.

I glanced at Drea again to see her looking at me, confused and worried.

Bumuntong-hininga ako.

Maybe she's right. 

Maybe it's just déjà vu. Baka hindi ko pa talaga nagagawa at akala ko lang na nagawa ko na. Siguro naghahalo-halo lang ang mga iniisip ko dahil marami akong ginagawa.

Alter: GlitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon