10

437 43 2
                                    

I opened my eyes. For some reason, it doesn't hurt, it doesn't feel puffy. Bagkus, nakaramdam ako ng kirot nang igalaw ko ang kamay ko. Ang tigas ng hinihigaan ko, nasa lapag ako.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Napako ang tingin ko sa salamin na katabi ng kama. . . basag. Namilog ang mga mata ko. I then glanced at my fist— it's bleeding. 

Napakurap-kurap ako, nanlamig ang buo kong katawan. For some reason. . . I had a little feeling that this will happen, but I hoped it won't.

Nasa sahig ako nakahiga. Basag ang salamin. . . nagdurugo ang kamay ko. I started whimpering.

I knew it. I'm getting crazy. This is not insomnia, this is not lucid dreams. I. . . I'm getting insane.

I'm losing my mind.

Napasabunot ako sa buhok ko. Nalipat ang tingin ko sa lamp table ko. Alas dose pa rin. . . hindi ako nakatulog, hindi lumipas ng isang minuto matapos kong ikurap ang mga mata ko.

Ang ibig sabihin lang n'on, lahat ng 'to ay nangyari. . . ngayon-ngayon lang. I remained sitting at the ground for a few hours, hugging both of my knees. My hands hurts, but at the same time, I don't feel anything. 

Hanggang magliwanag, nakatulala lang ako at nakaupo sa sahig. Namanhid ang mga paa ko nang tumayo ako. Hindi ako dumeretso sa banyo. Wala sa sariling binuksan ko ang shower kahit malamig pa ang tubig. Tumayo ako rito kahit nakadamit pa 'ko.

Ilang minuto rin akong nakatayo lang bago ko nagawang linisan na ang sarili ko. Tumutulo pa ang tubig sa katawan ko nang dumeretso ako sa tapat ng sink. Kumuha ako ng first aid kit sa likod ng salamin kung saan may lagayan.

Binuburan ko lang ng alcohol ang kamay kong may sugat. I don't remember where it came from, but seeing the shattered glass from the mirror. . . I think I know how I got it.

Wala akong maramdaman kahit sariwa pa ang sugat, may tuyo-tuyong dugo pa. Nang matapos ko 'tong budburan, kung anong pagtali na lang ng benda ang ginawa ko.

I've decided. . . today, I going to see my mother.

I don't want to, but I don't want her to cause a scene here at the apartment, in case she visits. Baka totohanin niya ang pagbabanta niya.

Pinunasan ko lang ang katawan ko at nagdamit ako ng kung anong makuha ko sa damitan. I didn't bothered picking up the shattered glasses. Basa-basa pa ang buhok ko nang lumabas ako ng apartment.

It was still early, no one's awake yet. I don't know what kind of Drea will greet me. If it's the one I used to know, who always cooks for breakfast and knows me well. . . or the other Drea that acts like her, feels like her, yet I know she's different from the Drea I know.

Lumabas ako ng bahay, wala pang gaanong tao. I don't feel well, but I continued. Bumyahe ako papunta sa amin.

A familiar place, a familiar setting. I see some familiar people too, those who have definitely forgotten about me. Hindi rin tumagal nang huminto ang sinasakyan ko, sa tapat ng isang bahay parang kahapon ko lang huling nakita.

For some reason, I can't move from my place. Nasa tapat na 'ko ng gate, pero hindi ko pa rin mapindot ang doorbell. Pinilit ko ang sarili kong gumalaw.

Balak ko sanang pindutin ang doorbell nang kusa itong bumukas. Pareho kaming natigilan ng lalaking nagbukas nang makita namin ang isa't isa.

"Ethan," pagtawag ko sa kaniya.

"Kuya Ion," bungad niya sa 'kin.

Napasilip ako sa loob ng bahay. Mabilis niya 'tong napansin.

"A-Ah, kuya, pasok ka," pag-aya niya.

Umiling ako. "Gusto ko lang kausapin si mama, hindi ako magtatagal."

Nakuha ng sinabi ko ang atensyon ni Ethan. "Ah, wala sila ni papa. Kasama nila si Kuya Jace, ni-celebrate nila 'yong malaking kaso na napanalo ni kuya."

Hindi ako kumibo. Kaya ba sila nangheheram ng pera? Para may panggastos sa paboritong anak nila?

"Hindi ka kasama?" walang ekspresyong tanong ko.

"A-Ah." Pilit na ngumiti si Ethan. "Kailangan ko pa kasing mag-aral para sa exams ko," pagdadahilan niya.

"Kuya, pasok ka na, hintayin mo na lang sila sa loob-"

"'Wag na, babalik na lang ako sa susunod na araw." Akmang tatalikod na 'ko nang muling magsalita si Ethan.

"Kuya, ngayon na lang ulit tayo nagkita. . . "Nahinto ako sa sinabi niya. Tinapunan ko siya ng tingin. "Kahit sandali lang, dito ka muna. Hindi ko alam kung kailan ulit kita makikita."

Hindi ako nakasagot kaagad. I forgot that I have a younger brother that I left here at home too. . .

Hindi ako nakahindi sa kaniya. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng bahay. It feels different being here. Though, this was my home for more than two decades. 

I should be comfortable here. . . but I feel suffocated. Napunta ang tingin ko sa mga letratong nakalagay sa salas. Mga pamilyar na mukha, noong mga bata pa kami, kaming tatlong magkakapatid.

"Walang gumalaw ng kwarto mo kuya, gano'n na gano'n pa rin mula no'ng umalis ka." Lumapit sa akin si Ethan na may ngiti sa labi. "Pwede mong i-check muna 'yon, gagawan lang kita ng meryenda," nakangiting aniya.

Hindi ako umangal sa sinabi niya. I did what he suggested. Kaswal akong naglakad sa sarili namin bahay na para akong isang bisita na tinitignan ang bawat sulok nito. Inililibot ko ang tingin ko sa paligid na para bang ngayon lang ako nakapunta rito.

Hindi nagtagal, isang pamilyar na pinto ang sumalubong sa akin. Ito lang ata ang parte ng bahay na nagpagaan ng loob ko. Binuksan ko ang pinto, pamilyar na kwarto ang sumalubong sa akin. 

It feels nostalgic, I can't help but to reminisce.

I can see my younger self here, smiling. . . together with my parents, my brothers.

May kirot akong naramdaman sa puso ko. 

What happened to us?

Bigla na lang nagtubig ang mga mata ko. Pero mapait akong napangiti, na sinundan ng pagtawa. 

I'm laughing even though I'm sad. The corner of my lips are curved, even though my eyes are teary. It's the same as what happened yesterday. . .

Baliw na nga siguro talaga ako. 


Alter: GlitchWhere stories live. Discover now