15

395 40 0
                                    

Humans are the most adaptive species they said. . . 

We're flexible, we can live in different environments. Kaya naming iayon ang pamumuhay nila sa lugar kung nasaan sila. Kaya naming mag-isip at kumilos depende sa sitwasyon na meron kami.

But. . . how can I adapt, if this place looks like it hasn't changed at all? But it did— and I don't know how and what it is. . .

Or, I'm the one who changed?

I woke up again, the same time, same ceiling, same room.

But different feeling. . . it's different.

This time, I decided to fix myself. I went straight to the bathroom. Sumalubong sa akin ang itsura ko sa salamin. 

It's still the same. . . maliban sa malalim kong mga mata, at ang pagbaba ng timbang ko, gano'n pa rin ang nakikita ko sa salamin. Ang kulay ng mga mata ko, ang kulay ng balat ko, ang porma ng ilong at labi ko.

Gano'n na gano'n pa rin. . . pero bakit pakiramdam ko, ibang tao ang nakikita ko?

Inis akong napaiwas sa salamin. Pinili kong dumeretso sa shower. Malamig ang tubig pero hindi ko 'to ininda, kahit hindi ako sanay sa malamig na tubig. I then fixed myself. Sinuot ko ang damit na makuha ko sa loob ng aparador, hindi na 'ko pumili.

This is my usual routine in the morning, pero ngayon, naninibago ako na gawin 'to.

Walang buhay ang mga mata ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Balak ko sanang lumabas nang matigilan ako. May nakaharang sa tapat ng pinto ko.

"Ion. . . "

Ang boses ni Drea ang dumaan sa tenga ko. 

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya, hindi nagbabago ang ekspresyon ko. She looked at me with a smile.

"We're having an outing, block mates natin.I'm just wondering if you wanted to come, hindi ka kasi sumasagot sa messages."

Hindi ako kumibo. I didn't checked my phone, and even if I did, I'm still not replying to them.

"I'm busy," maikling sagot ko.

"Right. . . " Drea nodded, as if she's already expecting my answer. She just stood there, so am I. Lumipas ang ilang segundo na magkaharap kami at nakatayo lang sa mga pwesto namin.

"Are you done?" malamig na ani ko.

Hindi kaagad nakasagot ang babaeng kaharap ko. Napalunok siya nang malalim, sinubukang hulihin ang tingin ko. I saw her worried expresssion. 

Now this, this is the Drea I know. 

"Is everything okay?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

Napaayos ako ng tayo. "Why'd you ask?"

Her expression changed. We didn't lose our eye contact.

"You seem different, Ion."

May kung anong dumagan sa dibdib ko sa sinabi niya. 

"Why don't you just go straight to the point?" I said. "We're standing here for too long."

Mukha siyang nahihirapan magsalita, hindi alam kung ano ang tamang mga salitang gagamitin niya.

"Y-You're acting different!" She gestured. "I mean, look at you!"

"There are times that you're not yourself, it feels like, every other day, you're a different person!"

Napailing ako, hinahandang isara ang pinto. "You're just overthinking things. . . I'm just tired, stop observing my actions."

"I'm trying, okay?!" Pinigilan niya ang pinto. "Hindi lang ako sanay! Sunod-sunod at malala ang mga nangyayari para hindi ko pansinin."

Tumaas ang tono ng pananalita ni Drea. "I think you're having a short term memory loss, you kept forgetting things! Maybe it's because of your insomnia! What if it's back? You should see a doctor."

"I'm fine, Drea," mahinahong sagot ko. "You don't have to think about it too much. . ."

"What fine?" she sarcastically said, annoyed. "You don't even remember what you did yesterday, don't you?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"You kept forgetting things, your habits are changing, you act different sometimes, your actions! Ang mga bagay na sinasabi mo ay iba rin!"

Hindi pa rin ako makakibo. Mabuti pa siya. . . alam niya ang mga nagbabago sa 'kin. Pero sana, hindi na niya pinansin.

"I told you, I'm just tired. . ." pag-uulit ko. "Ang, matagal na 'kong weirdo hindi ba? Hindi na bago 'to."

"Sige, lokohin mo 'yang sarili mo."

Hindi ba talaga siya titigil?

"I know there's something wrong Ion, you're not yourself," muling sambit ni Drea.

"It's like you're a different person every other day."

I see no point in arguing with her. Napabuntong-hininga ako. Wala ng punto ang pakikipagtalo ko pa sa kaniya, gusto ko ng matapos 'tong usapan namin.

"Okay, fine." I gave in. "I'll go to my psychologist next week."

Drea looks contented. "Sabi mo 'yan ha?" naniniguradong tanong niya.

I nodded. "Oo na."

I have to go there anyways. . . 


Alter: GlitchWhere stories live. Discover now