18

400 42 0
                                    

Nahinto ako sa pag-untog sa sarili ko sa pader. Umangat ang tingin ko sa bintana, maliwanag na.

Now. . . what do I need to do?

I chuckled. Do I need to do anything?

I don't know. . . may silbi pa ba ang gagawin ko?

Gusto kong pagpahingahin ang sarili ko, gusto kong pagpahingahin ang sarili ko kaiisip. Doon napunta ang tingin ko sa bagay na parte ng buhay ko— or should I say, ito na mismo ang buhay ko.

The computer, encoding. Making apps.

Yes, that is my dream, this is where it all started.

Kusang gumalaw ang mga paa ko papalapit sa tapat ng computer. Napaupo ako rito at binuksan ko na 'to. Tutok na tutok ang mga mata ko sa screen. Hindi ako tumitingin sa iba, rito lang.

Kahit sa pag-type ko, sa paggalaw ko ng mouse, sa screen lang ang mga mata ko.

Yes, dito ko itutuon ang atensyon ko. Dito ko 'to nilaan ang lahat ng atensyon ko, ang buong buhay ko mula umpisa. . . mula una. Kaya dapat, dito ko ilaan ang atensyon ko hanggang ngayon.

I laughed at myself, still typing. The screen is reflecting at my eyes.

Hindi pa 'ko kumakain, hindi pa 'ko naliligo. Pero wala akong pake, wala akong ibang iniisip kung hindi matapos itong ginagawa ko.

Ang tunog lang ng keyboard ang ingay sa kwarto ko. Nakapatay ang ilaw, pero maliwanag ang screen at ang sinag ng araw sa bintana. . . hanggang sa maging sinag ng buwan ito.

Nakarinig ako ng katok sa pinto.

"Ion?" Rinig kong sambit ng pamilyar na boses. Nakatutok pa rin ang tingin ko sa screen, napupuno na ng symbols, mga sulat, at mga numero ang paningin ko, pero hindi pa rin ako tumitigil.

I can hear my phone ringing and vibrating, but I didn't glanced at it.

"Hindi ka pa rin ba kakain? Hindi ka pa kumakain mula kanina," muling ani Drea.

Hindi ako sumagot.

"Please. . . I'm worried."

I still didn't answered. If I let her be, she'll leave soon.

I just need to focus right now, focus on what's in front of me.

Yes, all I need is this.

I'll reach my dreams, I'll sign my contract, I'll be rich.

Iyon ang mangyayari, iyon ang dapat mangyari. Kapag nagawa ko 'yon. . . lahat ng nangyayari na 'to, magiging isang masamang panaginip lang. Aayos ang lahat, aayos ako.

I just need this, I just need to finish this app. Everything will be okay, everything will turn back to normal. . .

Hindi ako nakakaramdam ng gutom, o pagod.

Hanggang sa ang tanging nakikita ko na lang sa screen ko ay walang iba kung hindi berde, berdeng kulay. It's full of letters, symbols, numbers.

"It's done. . ." hindi makapaniwalang aniko sa sarili. "I. . . finished it!"

Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko, sinundan pa 'to ng kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko. After a long time, I experienced happiness again.

Lumiwanag ang ekspresyon ko. With this, I'm already done with my app! I just have to-

Biglang nanlabo ang paningin ko. Bigla kong naramdaman ang pagkagutom, ang pagod ko buong araw. Siguro ay napasama rin ang pag-inom ko. Bigla akong nanghina.

Napapikit-pikit ako, nawawala ang tingin ko sa berdeng nasa screen ko.

"No. . . "

Pilit ko nilabanan ang sarili ko. Pinilit kong imulat nang malaki ang mga talukap ko. Pero sa huli, nanaig ang pagod ko, ang pagkaantok ko.

Alter: GlitchWo Geschichten leben. Entdecke jetzt