20

899 48 4
                                    

I don't want to sleep.

Nakatulala ako sa kisame, nagmumugto ang malalim na mga mata. Itim na itim na ang mga mata ko. Tuyong-tuyo na rin ito dahil kahit ang pagkurap ay hindi ko ginagawa. Ang ilaw ng alarm clock ang nagsisilbing liwanag sa kwarto ko.

"Alas dose na. . . " bulong ko sa sarili.

Hindi ako nagpatinag sa orasan, nakatulala pa rin ako sa kisame, mulat na mulat ang mga mata. Kinukutkot ko ang daliri ko, hindi rin mapakali ang mga paa ko sa kama.

How many days has it been?

I don't know. . . I don't remember it anymore.

Everything was fine a month ago. Kahit namomroblema ako sa paghahanap ng trabaho ay hindi katulad nito ang problema ko ngayon.

Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung kanino pa 'ko hihingi ng tulong. Wala ng makakatulong sa 'kin, hindi ko na rin matulungan ang sarili ko.

I just want it to stop, I want all of it to stop.

And the way to do that, is to stop myself from sleeping.

It's all because of that, it's all because of that 1 second sleep, that everything is messed up.

Hindi ko na kayang magpatuloy ng ganito, kaya kailangan ko 'tong ihinto, kailangan ko na 'tong itigil.

Ayoko na. . . napapagod na 'ko, natatakot na 'ko nang sobra.

Suko na 'ko.

I bit my lower lip, enough to make it bleed. I just want to rest, I just want my normal life back. I don't want to continue this anymore. . . 

I really don't want to sleep.


Alter: GlitchWhere stories live. Discover now