11

419 45 0
                                    

I was reminiscing a second ago, now I'm walking around the room, looking at my things. Hinahawakan ko ang mga gamit na nadadaanan ko, tinitignan ito na para bang isang patay na ang may-ari nito.

Nahinto ako sa pagtingin nang may nakita akong isang pamilyar na gamit. Nakasuksok ito sa pagitan ng mga orginzer ko. Mabilis na nagsipasukan ang mga alaala na meron ako rito.

I slowly took it our. A brown journal.

Naalibukan na 'to na agad kong inalis. Marahan ko itong hinawakan. 

This journal. . . was a part of my childhood.

Tila naalala ko ang nabanggit ni Cerise sa akin tungkol sa pagsulat ng mga ginagawa ko sa isang araw.  She suggested me to have a journal. . .

Wala sa sariling kumuha ako ng ballpen sa table ko na hindi nagalaw mula umalis ako. Naupo ako sa upuan at binuklat ang journal kung saan sumakto rito ang mga blankong pahina.

I started writing.

Day 1

Today. . .  I don't know what to feel. I'm inside of our house right now, it feels different after not being here after a long time. I started to reminisce the time when I was a kid, the time before it all started, the time when I was still innocent. 

I'm starting to think of a different situation. The what ifs'.

But I know. . . it's too late now. 

I'm just writing when I heard the gate outside being opened. Mabilis na nalipat dito ang atensyon ko. Napatayo kaagad ako mula sa upuan, dala-dala ang brown na journal ko.

Pababa pa lang ako ng hagdan nang maabutan ko ang mga taong papasok sa loob ng bahay. Mabilis na napako ang tingin sa akin ni mama. She looks like she's on a good mood a second ago, but as soon as our eyes met, her expression changed.

"Ikaw na bata ka!" salubong niya sa 'kin. "Sino nagpapasok sa 'yo rito?!"

Hindi ako kumibo. Akala ko ba gusto niya 'kong pauwiin?

Sumunod na pumasok si papa na walang kibo, na sinundan din ng nakatatanda kong kapatid. The golden child.

Dumeretso ako sa paglalakad, walang ekspresyon ang mukha. "Nandito lang po ako para magpaalam."

Kumunot ang noo ng mama ko. "Ano?!"

"Hindi niyo na po ako ulit makikita. Wala na kayong maririnig sa 'kin. 'Wag niyo na po akong tawagan."

Hindi nakasagot ang mama ko sa sinabi ko. Parang siyang kamatis nang namula ang mukha niya, halos lumabas na rin ang ugat sa leeg niya. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?! Wala kang utang na loob!" Napahawak sa dibdib si mama, mabilis siyang inalalayan ng mga kapatid ko.

While watching her, I'm starting to feel dizzy. Pinagpapawisan ako, pero malamig ang pawis ko. Bumibigat na rin ang paghinga ko.

"J-Just, let's cut our communication, ma," mahinahong sambit ko. "Katulad ng sinabi niyo noon, gawin na natin 'yon ngayon."

Hindi sila makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Kuya," ani Ethan.

"Ion," pagsali ni kuya Jace.

"BASTOS! WALANG UTANG NA LOOB!" Nanggagalaiti si mama sa 'kin. "PARA SA'YO ANG LAHAT! PARA SA IKABUBUTI MO! TIGNAN MO! NASAAN KA NGAYON!"

Humigpit ang pagkasasara ng kamao ko, ramdam ko ang pagkirot ng sugat ko sa kamao ko.

"We did everything for all of you! Now look what you've done! You ruined yourself! You-"

"SHUT UP!" Tumaas ang tono ng pananalita ko na nagpanginig sa mama ko. Mariin ko siyang tinignan. "Things would've been different if you've only supported me! Like how you supported Jace!"

Alter: GlitchOnde as histórias ganham vida. Descobre agora