Content Warning

908 23 2
                                    

Kung nabasa na ninyo ang Gakuwesaribig, may posibilidad na nabasa ninyo na rin ang Gakuwesaribigin. At kung hindi man, hindi ko kayo masisisi dahil may dalang trauma ang unang libro sa seryeng ito.

Sa pamamagitan ng content warning, malalaman ninyo na ang kuwentong ito ay hindi puro saya. Mapag-uusapan ang kamatayan, ang pagnanais na mawala sa mundo, at ang matinding takot sa ulan dala ng isang karumal-dumal na pangyayari mula sa unang libro. Binibigyan ko kayo ng pagkakataon upang mapagmuni-muni kung kaya nga ba ninyo tapusin ang kuwentong 'to.

Kung kaya naman, walang problema. Sama-sama ulit tayo sa pagdadalamhati, sa pagbangon, at sa pag-ibig na nananatili sa gitna ng pagtataksil kahit mahirap ipaliwanag kung bakit ito nananatili . . . katulad ng pananatili ng mga kuwentong ilang beses ka nang pinaiyak sa iyong puso't isipan.


Magsusulat hanggang kamatayan

P. X. V.

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now