Chapter 7: Tarantism

195 11 0
                                    

Tarantism

(png.) Isang kagustuhan na takasan ang lungkot sa pamamagitan ng pagsayaw


No'ng sumunod na araw, sinubukan kong tumambay sa org nila. Marami na rin naman na akong nakilala. Ilang minuto bago ako umalis, biglang dumating si Anna.

"Uy!" bati niya sa 'kin na may ngiti—isang ngiting hindi ko maintindihan. "Nandito ka!"

Hindi ko kailangan ng mga ngiti niya. Kailangan ko ng paliwanag kung bakit niya pinaparusahan ang sarili niya. Hindi ko maintindihan ang mga babae. Maraming paraan para pasiyahin niya ang sarili niya, pero bakit siya dikit nang dikit sa mga bagay na nakakapagpalungkot lang sa kanila?

"Anna," sabi ko, "puwede ba tayo mag-usap?"

"Is that what about Sarah said?" tanong niya. Tumango lang ako. "Sasabihin ko sa Sunday. Puwede mo ba ako samahan?"

"Samahan saan?"

May dinakot siyang flyer sa bag niya. "Ito, o. Audition para sa Swan Lake. Masaya na ako kahit isa lang ako sa mga ekstrang ballerina. Bukas sana."

"Bakit ako?"

Puwede namang ibang tao. Pwedeng 'yung ibang high school classmates niya o kaya si Sarah o 'yung mga orgmates niya. Bakit ako?

"Kung ayaw mo," sabi niya, "ayos lang."

Tumalikod siya. Sa isip ko, Tae naman. Puwede mo ba akong patapusin magsalita? "Wait, hindi ko naman sinabing hindi kita sasamahan," pagpigil ko sa kanya. Lumingon naman siya at saka ko tinuloy 'yung sinasabi ko. "Pero kailangan mo sagutin ang mga tanong ko."

"Okay lang," sagot niya, tapos umupo na siya at nakipag-usap sa iba niyang orgmates.

Ano ba 'to? Ano ba ako sa kanya?

Umuwi ako nang mag-isa na wala man lang clue kung anong gusto niyang mangyari. Ayokong iniiwan ako sa ere na wala man lang alam.

***

Ulysses

Saan tayo magkikita? At anong oras?


Anna

Okay lang ba sa may Ministop na lang? Kung puwede mga 2 PM.


Napansin ng mga magulang ko na lagi kaming nag-uusap. Sinabi ko 'yung totoo, na attracted ako sa kanya pero wala ng hihigit pa. Nagtinginan lang sina Mama at Papa, at sinabing alam ko na raw ang tama sa mali. Bakit, may mali ba sa ginagawa ko?

Nando'n na ako ng 2:10, pero wala pa rin siya. Pero alam ko naman na hindi siya tulad ni Rina na paghihintayin ako ng ilang oras pero hindi darating. Late siya ng trenta minuto nang dumating siya.

"Sorry, late. Woo! Kinakabahan ako!" sabi ni Anna, hawak-hawak 'yung dibdib niya.

Pagdating namin sa venue ng performance, may ilan-ilang mga babae na halos parehas ding gustong sumubok.

"Ang dami," komento ko habang tumitingin sa iba't ibang babaeng nakasuot ng pam-ballet na kasabay naming naghihintay sa hallway ng venue.

"Don't worry," sagot niya. "In small groups naman kami."

Tinitingnan ko siya na ang daming kinuha sa bag. Ang daming brush, tapos may mga powder at mga kulay pink na bagay na nilagay sa mukha niya.

"Alam ba ng mga magulang mo 'to?" tanong ko.

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now