Chapter 24: Fernweh

155 7 4
                                    

Fernweh

(png.) Matinding nais na lumayo o pumunta sa ibang lugar


Hindi nag-text si Anna no'ng kinagabihan nang umuwi kami. Malaman-laman ko na lang na nagalit 'yung mga magulang niya, pero sinabi rin nila na kung ano na lang daw ang talagang gusto niya, 'yon nayon. Wala na raw silang magagawa.

Okey na siguro 'yon kaysa wala, di ba?

Walang pasok kinabukasan pero magka-text kami. Madalas nawawala siya, tapos pagkatapos ng mga sampung minuto babalik uli.


Anna: Sorry, Uly. Parang nasusuka ako na di ko alam.

Ulysses: Pa-check ka sa doctor. Wag ka na pumasok bukas. Uso pa naman ang amoebiasis.


Nag-alala ako dahil baka may nakain siyang hindi maganda no'ng nagbakasyon kami.

Nong sumunod na araw, umabsent nga si Anna. No'ng umaga, bago siya magpadoktor, magka-text kami.


Anna: Uly, nandito na kami ni Mama. Later na ako magte-text. Low batt na ako. Love you! Ingat!


Pero pagkatapos niyang magpadoktor, wala na akong balita. Siguro nga kasi nawalan siya ng battery. Napangiti na lang ako at paulit-ulit binabasa 'yung mga text niya sa 'kin. Paulit-ulit tinitingnan 'yung mga litrato naming dalawa.

Ang saya.

Oo, masaya ako. Napapangiti sa bawat picture na lumalabas sa cell phone ko. May kumakaing Anna, nagsa-slide na Anna, nagsu-swimming na Anna, nagkukunwaring nalulunod na Anna, natutulog na Anna, nagpapa-cute na Anna, naka-duck face na Anna, napapalaki ng butas ng ilong na Anna, nagkukunwaring galit na Anna, nakangiting Anna—maraming Anna.

Pero ang pinakamatagal kong tiningnan ay 'yung humahalik na Anna sa pisngi ko.

Bumalik ako sa bahay, nag-online at baka sakaling online na siya. Nga lang, hindi ko na yata siya naabutan. Natulog na lang ako nang gano'n 'yung nangyari.

Nong sumunod na araw, hindi uli siya pumasok. Nag-alala ako nang hindi ko siya nakita buong araw, kaya tumawag ako nang paulit-ulit sa cell phone niya. Lalo akong kinabahan nang nagriring pero hindi sumasagot.

Lakas-loob akong pumunta ako sa bahay nila kinagabihan. Ang sabi lang, natutulog dahil masama ang pakiramdam.

Hindi nakatingin 'yung nanay niya sa mga mata ko. Siguro dahil ayaw pa nila sa 'kin. Ayos lang. Tanggap ko naman. Unti-unti ring darating 'yan.

Pero sa sumunod na dalawang araw, gano'n pa rin 'yung nangyari. Hindi pa rin siya pumasok. Kahit si Sarah, hindi ko makontak. Malaki kasi 'yung posibilidad na may alam siya sa kalagayan ni Anna.

Nag-alala na ako. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama o may nangyari sa kanya. Nag-text ako ng sobrang daming text, pero gano'n pa rin.

Wala siyang kahit anong sagot.

***

Sabi ko sa sarili ko, pag hindi pa rin nagparamdam si Anna sa Biyernes, susugod na ako sa bahay nila, sa kuwarto niya. Hapong din 'yon, paalis na ako sa school, nang nakatanggap ako ng tawag galing sa kanya.

Walang alinlangan kong sigaw, "Anna!"

Hindi ko mapaliwanag 'yung saya ko nang bigla siyang tumawag. Nga lang, no'ng una, walang sumasagot. "Anna?"

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now