Chapter 5: Mamihlapinatapai

200 13 3
                                    

Mamihlapinatapai

(png.) ang pagsulyap na ginagawa ng dalawang tao, parehong hinihiling na sana may gawin ang isa na gusto nilang pareho, ngunit wala ni isa ang kikilos para gawin ito


"Hello po, Tita," bati ni Anna. Katatapos ko lang magbihis noon. Nagulat 'yung nanay ko dahil hindi naman niya alam na aalis ako kasama siya.

Paglabas namin ng gate, hindi ako mapakali sa iniisip ng nanay ko. Baka iniisip niya pinopormahan ko si Anna—na girlfriend ng kapatid ko, ni Mark.

Nasira ang katahimikan nang biglang tumawa si Anna.

"Ang awkward," sabi niya tapos tumawa siya ulit. Kahit ako naman, hindi mapakali sa sitwasyon. Kasama ko ang girlfriend ni Mark. Ano nga bang ginagawa ko rito?

"Nagpaalam ka ba?" tanong niya.

"'Yung totoo," sagot ko, "hindi ko nasabi kay Mama at Papa na—"

"I mean, kay Yuan."

"Kailangan ba?"

"Baka multuhin ka n'on, sige ka."

Sa likod ng mga ngiti niya ay isang malungkot na Anna. Halata naman na pinapagaan lang niya ang sitwasyon naming dalawa. Halos tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong nawala si Mark.

"Hindi. Alam niya na 'to," sagot ko. Bakit seloso ba 'yon?"

"Not really. Tara, taxi na lang tayo."

Tangina. Bakit ko 'yon sinabi? May gusto ba akong iparating? tanong ko sa sarili ko. Gago ka talaga, Ulysses.

Wala pang labinlimang minuto nang dumating kami sa lugar.

"Ang lapit lang pala," sabi ko. "Dapat nag-jeep na tayo."

"Okay lang 'yan."

Pagpasok namin, ang daming salamin. Nagbanyo muna siya, at ako naman, nanood sa may upuan. Tinanggal ko 'yung sapatos ko kasi bawal ipasok ang sapatos sa loob maliban sa ballet shoes. May kasama rin akong ibang mga tao na nanonood, pero kaunti lang kami.

Nagulat ako sa paglabas ni Anna.

"Baka antukin ka," komento niya.

"Hindi ayos lang."

Nakatingin ako sa baba kasi parang makasalanan na tingnan ko si Anna. Hindi ko rin alam kung bakit. Pag-alis niya, kinausap ko na naman ang sarili ko. Huminga ako nang malalim.

"Mark," bulong ko, "dapat nandito ka."

Tiningnan ko si Anna na may kausap na isa pang babae na may pulang buhok, mas maliit kay Anna nang kaunti, at may pagkasingkit. Papalapit silang dalawa sa akin.

"Ulysses, si Sarah," pakilala ni Anna. "Sarah si Ulysses."

"Hi!" bati naman ni Sarah tapos inalok niya 'yung kamay niya.

"Ka-org ko," tuloy ni Anna, "pero dito kami unang nagkakilala."

Nakipagkamay ako tapos pumunta na sila doon sa floor. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip nila, pero mukhang ako ang pinag-uusapan nila.

Habang nagpapraktis sila, hindi ko malayo ang mga tingin ko kay Anna. Napaisip tuloy ako kung gusto ko siya. Oo, gusto ko siya. Hindi 'yung sa may nararamdaman o kung ano, pero attracted—iyon yata 'yung tamang termino.

Tinuturuan sila habang nakakapit sila doon sa pole. Nakita ko na medyo magaling na si Anna at kaya na nga niya sumayaw mag-isa. Para akong nanonood sa lawa.

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now