Chapter 23: Gurfa

132 11 0
                                    

Gurfa

(png.) Sukat ng tubig na kayang makuha ng isang kamay


Hindi kami natuloy no'ng Sabadong 'yon dahil nagkaroon kaming dalawa ng problema. Mukhang hindi nagustuhan ng mga magulang namin 'yung desisyon namin.

Oo.

Dahil 'yon kay Mark.

Alam ko na 'yung magiging reaksiyon ng mga magulang ko. Nagtanong lang sila kung kailan nagsimula. Pero alam ko naman kung ano'ng nasa isip nila—na kung ano 'yung sa kapatid ko, sa kapatid ko lang. Pero ang nasabi ko na lang, "Paano ako? Paano kami?"

Akala nila, magkaibigan lang kami na pinaguugnay ng lungkot gawa ng pagkamatay ni Mark. 'Yon pala, iba na. Hindi ko alam, nawalan ako ng gana kumain no'ng araw na 'yon

Kinagabihan, tumawag ako kay Anna. Sumagot naman siya, pero mukhang umiiyak.

"Anna," umpisa ko. "Kumusta?"

"Naiinis ako. Naiinis ako na hindi nila maintindihan. Bata pa ako? Bata pa ako? Kailan ako magiging matanda?"

"Hindi lang siguro nila matanggap," sagot ko. "Naiintindihan ko 'yung magulang ko kahit papa'no. Masakit lang isipin na ako . . . ako na buhay, hindi nila ako hinahayaang pumili."

"Ba't gano'n? Ang gusto lang naman natin, 'yung isama sila sa beach. Tapos ganyan. So ibig sabihin . . . galit na 'yung mga magulang mo sa 'kin?"

"Hindi, wala silang sinabing gano'n."

"Wala nga. Pero hindi ba gano'n 'yung ini-imply nila?"

"Hindi. Hindiyon."

"Maybe . . . we shouldn't—"

"'Wag," pagtigil ko kay Anna. "Ayoko. Bahala sila."

"Pero hindi naman tayo puwede mabuhay na tayo lang, di ba?"

"Kailangan nilang maintindihan. Hindi ako susuko hanggang sa maintindihan nila. Sana . . . sana gano'n ka rin."

Natahimik si Anna saglit bago niya sinabing, "Sige, bye na. Kakausapin ko uli sila."

"Please . . . please maging okey ka," pakiusap ko. "Pakisabi hindi ako nagda-drugs. Hindi ako umiinom nang marami. Hindi ako naninigarilyo. Kung gusto nila malaman, wala akong sex life. Kaya kong magsibak ng kahoy para sa 'yo. Matino akong lalaki, pakisabi. At di kita pababayaan. Higit sa lahat, sisiguraduhin kong mabubuhay ako hanggang isang daang taon para lang alagaan ka. Sige. Bye."

Binaba ko 'yung telepono para kausapin uli 'yung mga magulang ko.

Sinabi ko mula sa umpisa. Na ako talaga 'yung unang nahulog. Siguro oo—dahil nahihiwagaan ako sa babaeng minahal ng kapatid ko.

Sinabi ko sa kanila na hindi malabong mahulog 'yung loob ko kay Anna. Sinabi ko na hindi na ako nagtaka kung bakit siya nagustuhan ni Mark.

Sinabi ko rin na umabot ng isang taon 'yung lihim na nararamdaman ko para kay Anna, at hindi lang niya ako basta "sinagot." Hindi lang niya ako basta minahal pabalik.

Sinabi ko 'yon lahat-lahat nang diretsahan. Minsan kasi, ang totoo, mahirap makipagusap sa mga matatanda. Sabi nga ni Lola no'ng buhay pa siya, gustong-gusto ng mga matatanda na manermon at magsalita. Kasi nga, marami na silang naranasan sa taon nilang nabubuhay.

Ang sabi ko na lang kay lola noon, "Pero hindi naman ibig sabihin na 'yung mga naranasan namin, naranasan niyo, di ba?"

Hindi ko alam kung nasabi ko 'yung mga dapat kong sabihin sa mga magulang ko. Umabot 'yung usapan namin hanggang ala- diyes ng gabi dahil kada may sasabihin ako, may sasabihin din sila.

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now