Chapter 18: Geborgenheit

141 10 0
                                    

Geborgenheit

(png.) Pakiramdam ng pagkaligtas kung saan lahat ay pinatawad at kinalimutan


Naging mas madalas ang mga "date" namin. Bale, nililibre ko siya pag gusto niyang magpalibre. Gano'n din naman ako. Hinahawakan ko siya sa kamay pag gusto ko, at gano'n din siya. Sumasandal siya sa balikat ko pag gusto niya, at gano'n din ako. Nagtsa-chat kami gabi-gabi tungkol sa kung ano-ano. Tinutulungan ko siya kapag kailangan niya ng tulong, at gano'n din siya sa 'kin.

Hindi kami 'yung madalas na pares na kilala ng iba. 'Yung mushy o 'yung nagpi-PDA sa kanto. Normal lang kami. Parang magkaibigan. Hindi nga kami nag-aaway, e. Siguro dahil alam naming sinusubukan lang namin 'to.

Boring? Siguro nga. Wala namang nangyayaring kasulat-sulat noong mga panahong 'yon. Pero kailangan ba may maisulat? Masaya ako, e. Okey na 'yon.

Siguro isa sa mga kasulat-sulat ay 'yung araw na tinawag niya akong Moo. Nasa may Sunken Garden kami noon, at kakabili lang namin ng manggang may bagoong.

"Hindi tayo mag-BF-GF," banggit niya, "at aminin nating hindi tayo masyadong friends tulad ng dati."

"MU . . . gano'n," sagot ko. "'Wag mo na kasi alalahanin yan."

"Minsan kasi hindi talaga ako pinapatulog nitong kung ano tayo."

"E di, kung gusto mong sure, pakasalan mo na lang ako. At least alam nating kasal tayo."

"Baliw."

Tumawa kaming dalawa.

"Shet. Sarap nitong mangga!" sabi niya pagkatapos niya kumakagat. Tapos tiningnan niya ulit ako para tanungin, "So mag-moo talaga tayo?"

"Anong moo?"

"MU. Nakakatamad kasi sabihin."

"Dalawang letra lang, tinamad pa sabihin?"

"Ano, may sinabi ka?"

"Wala po, senyora," pang-asar ko.

"Mas cute kaya 'yung moo."

"Tunog ng baka 'yon. Anong ikina-cute ng moo?"

"Kasi i-cow ang moo-moo-halin ko."

Tawa ako nang tawa, hindi dahil sa sinabi niya pero dahil sa pagkakasabi niya. Kumakain kasi siya ng mangga noon tapos tumutulis 'yung nguso niya.

"Ano'ng tinatawa-tawa mo?" tanong niya. "Ang sama mo, alam mo 'yon? Ang effort n'on, a."

"Ano 'yon, pareho tayong baka?"

"Hindi kasi in-e-explain ang joke o ang banat!"

"Oo na," sagot ko. "So ano'ng ibig sabihin n'on?"

"Wala, banat lang."

"Ay, pinaasa lang ako. O sige, ako naman babanat. Paano magsabi ng I love you ang isang baka sa isa pang baka?"

"Paano?"

Ngumiti ako tapos sumigaw ako ng "Moooooo!" papalapit sa kanya para kunwari hahalikan ko siya sa cheeks. Pinalo niya ako sa pisngi nang pabiro. Ang corny ko raw kasi.

Simula no'n, "moo" na lang 'yung sinasabi ko kaysa "mahal kita." Alam naman niya 'yon. Isang buwan na kaming ganito, pero walang intimacy. Walang halik o kung ano man. Walang celebration ng monthsary o weeksary. Minsan naiinip ako. Pero iniisip ko na lang na pag nainip ako, baka bigla siyang mawala.

***

Madalas napag-uusapan namin ang ulan dahil nga sa sinabi kong susubukan kong mawala o mabawasan man lang 'yung takot niya. Naitanong na rin niya kung ano ang balak ko, pero ang isasagot ko lang ay "basta may naisip na ako."

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now