Chapter 19: Ayurnamat

128 8 1
                                    

Ayurnamat

(png.) Pilosopiya na walang kahulugan pa ang alalahanin ang mga pangyayari sa buhay na hindi na mababago


Tuwing umuulan, hihigpitan niya 'yung hawak niya habang naglalakad kami, pero mas okey na 'yon kaysa dati.

Sabi ko nga sa kanya, gusto ko bigyan 'yung sarili ko ng award dahil kahit papa'no, nawala 'yung takot niya. Inamin naman niya sa 'kin na sinusubukan palang niya, pero ang mahalaga, mas malapit na ako sa layunin ko.

Nakadalawang buwan na, at medyo naging busy na rin ang isa't isa. Hanggang ngayon, wala pa rin ang sagot na inaasam-asam ko.

"Di ka ba niyan i-pa-paa?" tanong ni Pao nang nagkita kami. Ang paa sa diksyunaryo niya ay paasahin.

"Hindi naman siguro," sagot ko. "Sabi nga, good things come to those who—"

"Punyeta. Naniniwala ka do'n? Di naman totoo 'yon. Ang totoo, nothing comes to those who wait."

"Napakalungkot naman ng buhay nito. Meron 'yan."

"Nga pala," pag-iiba ng usapan ni Pao. "Alam mo bang tatay na si Greg?"

"Takte! Weh?"

"Oo nga. Gusto mo bisitahin 'yung baby? Sa may Medical City yata."

"Sige. Pupunta sina Jason at Gibs?"

"Oo, sa Sabado. Kasama mga girlfriend nila. Tol, ba't gano'n? Ako na lang yata ang hindi binibinyagan. Linta naman, e. Kasama kita dapat. Takte, guwapo naman ako."

"Ulol," biro ko. Kung meron man akong na-miss noong elementary at high school, 'yung kalokohan talaga ng barkada namin 'yon.

Balak namin na bisitahin 'yung kabarkada naming tatay na pala. Last time, parang kuwento lang niya na nakabuntis siya, at ito, tatay na. Bilis ng panahon.

Niyaya ko si Anna para sumama. Pumayag naman siya para din daw makilala 'yung barkada ko.

***

Pagdating ng Sabado, hinintay ko si Anna sa may Ministop. Nakasuot siya ng simpleng pants at shirt, tapos nakatali 'yung buhok niya sa likod. Habang nagko-commute at hanggang sa pagbaba, hawak niya 'yung kamay ko.

"Wow! For the first time," bati ni Pao kay Anna, "nagkita rin tayo. Kinukuwento ka niyan—"

"Sorry," sabi ko kay Anna matapos kong takpan 'yung bibig ni Pao ng kamay ko. "May pagkalasing kasi 'to lagi. Anna, si Pao."

Tumawa si Anna.

"Ibubuking lang kita, lasing na agad?" sagot ni Pao.

"Ingay mo kasi! Asan sina Son at Gibs?"

"Si Gibs pa lang nando'n. Si Jason susunod. Pero ano . . . kasi . . . w-wala. Tara na?"

Parang may gustong sabihin si Pao, pero nang napatingin siya kay Anna, hindi na niya tinuloy.

Pumasok kami sa ospital matapos kaming dikitan ng "guest" sticker. Sumakay kami sa elevator at hinanap 'yung kuwarto. Nagdadaldalan kami nang aking gulat kong makita si Rina.

Nag-apir kaming lahat, maliban kay Rina. At dahil 'yung baby naman talaga 'yung pinunta namin, tiningnan namin 'yung baby. Nando'n 'yung asawa ni Greg, nakaupo na kumakain. Nasa may upuan naman si Greg, parang pagod na pagod.

"Ayos, a," komento ko. "Tatay ka na, Gregory!"

"Itong si Ulysses malapit na rin, e," sabi ni Pao.

"Gago."

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now