Chapter 4: Saudade

234 18 0
                                    

Saudade

(png.) isang sobrang lakas na pakiramdam ng pagkasabik sa isang taong mahal mo


Ilang buwan na ang nakalipas, at ito, hindi ko masasabi na ito na 'yung pinakagusto kong estado sa buhay ko. Lumipas na ang isang sem at pasimula na naman ang isang sem.

Parang tingin ko, binuhay ako para lang mag-aral, mag-download ng puwede panuorin, kumain, tapos magtatrabaho hanggang sa mamatay.

Ang mas nakalulungkot, naglaho na parang bula si Rina. 'Yung araw na di siya sumipot sa forty days ni Mark, 'yon na rin 'yung araw na huli kaming nag-text. Siguro nahiya siya kaya nagdesisyon na lang siya na maglagay na lang muna ng espasyo sa pagitan namin? O baka naman ayaw talaga n'ong Geo sa 'kin? Ewan, hindi ko na alam. Kalahating masakit, kalahating wala na akong pakielam. Sumama lang talaga ang loob ko na nangako siya nang ilang beses at ilang beses na niya 'yon hindi natupad. Ang masaklap, sa forty days pa ng kapatid ko.

Ang tanging libangan ko lang ay ang blog ni Anna. Ganito nga kaya ang mga creative writers? Hindi ako mahilig magbasa, pero dahil sa kanya, bigla akong nakapagbasa.

'Yung totoo, hindi ko rin talaga siya matanggal sa isip ko simula noong binigyan niya ako ng sticky note. Oo, sabihin nating ini-stalk ko siya bilang alam ko naman ang apelyido niya. Lumabas 'yung blog niya sa isa kong search at inumpisahan ko basahin.

May ibang blog niya tungkol sa high school life niya. Nakita ko nga kung paano siya nag-mature sa pagsusulat mula sa "Hay nako kaineeez ng mga tao dito sa school hah !! Grrrrr !! >.<" papunta sa "Could they please get out of my life?!"

Natawa ako sa transition, at natawa rin ako sa ibang blogs niya tungkol sa mga random na bagay, tulad ng nakakita siya ng aso na kinakausap ng pusa at isang ipis na lumipad na napalo niya ng kamay niya. Mga gano'n.

Pero 'yung pinakahuling blog niya ay tungkol sa kapatid ko na may buwan na ang nakalipas. Masyadong mahaba ang nakalagay, pero puwedeng paiigsiin sa tatlong salita: I miss you.

Napasandal ako sa may upuan at napaisip. Hindi ako naiyak sa sinulat niya, pero nakaramdam ako ng sakit sa loob ko na kahit ako mismo, bigla kong ginusto makita ulit si Mark. Dahil nakaramdam ako ng antok, umidlip muna ako.

Pagkagising ko, bumalik agad ako sa computer. May bago siyang post na ang "The Rain Guy" ang pamagat.


Hopeless I screamed as the rain touched my skin.

Finally, he carried me toward a safe cabin.

He did not utter a word; he just took care of me,

brought a blanket, made heat, and stirred a cup of coffee.

He let me hear the sound of a growl instead of a thunder.

Then I remembered my lover who is now buried six feet under.

I cannot help but ask "Who can cure this curse?"

But as gratitude to him, I dedicate this verse.

I hope you find happiness in what remains with you.

I am sorry, I now have nothing; a verse is all I can do.

And a note stating, "Find a cure for this too."


Nagulat ako noong nabasa ko. Halata naman na tungkol ito sa akin.

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now