Chapter 1: Logastellus

412 21 2
                                    

Logastellus

(png.) isang tao na ang hilig nila sa salita ay mas higit pa sa kaalaman nila sa salita


Nando'n 'yung babaeng 'yon, umiiyak.

Ikatlong araw na simula noong namatay si Mark, 'yung kapatid ko. Ginanap ang lamay sa bahay, at iba't ibang tao ang pumupunta para makisimpatya. Pero may isang tao na mula unang araw ay nandito na para tumulong sa pag-aasikaso—'yung girlfriend ni Mark.

Nalulungkot ako para sa kanya. Kung ako man din ang mawalan ng kasintahan sa araw ng monthsary namin . . .

Masaklap.

Nang nawala na ang mga tao, pumunta ako sa kung saan nakalagay yung kabaong niya. "O, ano?" tanong ko. "Nawala ka. Paano na yung girlfriend mo? Iyak nang iyak."

Kinapa ko yung salamin ng kabaong niya at saka dinagdag, "Di mo naman sinabi na huling pag-uusap na natin 'yon. E di, sana, tinagalan ko pa yung pakikipag-usap sa 'yo."

Tapos pumunta na ako sa kuwarto ko para magpahinga.

***

Noong araw na kailangan na namin dalhin ang katawan ni Mark sa paglilibingan, akap-akap ng mga magulang ko 'yung girlfriend niya sa loob ng van namin habang tahimik ako sa may upuan sa harap, katabi ng driver. Humahagulgol sila noong mga panahong 'yon. Napaisip din tuloy ako na kung namatay ba ako, ganito rin ba ang mangyayari?

Pagdating sa may sementeryo, tumayo kaming lahat sa harap ng hukay kung saan siya ililibing. Mainit ang panahon, pero buti na lang nasa ilalim kami ng isang malaking tent. Bumaha ng luha noong oras na 'yon, lalo nang naghahagis kami ng mga bulaklak habang unti-unting binababa ang kabaong niya. Taimtim muna na umupo ang lahat sa mga puting monoblock para magmeryenda bago umuwi.

Nakita ko 'yung girlfriend ni Mark na umiiyak pa rin sa isang sulok sa ilalim ng tent. 'Yung totoo, gusto ko talaga siyang lapitan. Kitang-kita ko na wala na yatang lugar sa panyo niya 'yung mga luha niyang sunod-sunod.

Kumuha ako ng tissue, umupo sa tabi niya, at saka binigay. "O," alok ko habang inaabot 'yung tissue sa kanya. Para na siyang zombie na malalim 'yung eyebags at naniningkit na 'yung mata kaiiyak. Hindi ko na lubusang maisip na siya rin 'yung magandang babae na ipinakilala sa akin ni Mark noong bumisita siya. Pero kahit pa man gano'n, tingin ko, siya pa rin 'yung babaeng mahal 'yung kapatid ko.

"Thank you po," sagot niya. Kinuha rin niya 'yung tissue.

"How are you keeping up?"

Di niya ako sinagot. Pero may nakita akong luha na bumagsak na pinunasan niya agad. "Bago siya umalis ng bahay, nag-usap kami tungkol sayo."

Tahimik lang siya, nakatitig sa lupa kung saan nilibing si Mark.

"Tinanong ko kung bat ka niya gusto," pagpapatuloy ko.

"A-ano'ng sabi?" tanong niya.

"Basta may libro raw siyang binasa, at ikaw daw 'yung iniisip niya no'ng binabasa niya 'yon."

Ngumiti lang 'yung babaeng 'yon sabay kumuha ng tissue.

"Sabi ko ang babaw. Pero—"

"Oo nga," sabat niya. "Kung siguro . . . kung hindi ako 'yung nagustuhan niya—"

"Pero inaway niya ako. At nagulat ako dahil hindi naman siya gano'n. Doon ko nasabi sa kanya na ngayon lang siya naging gano'n kabaliw para sa isang babae." Tapos tiningnan ko siya. "You both love each other so much, don't you?"

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon