Chapter 16: Oculoplania

144 10 4
                                    

Oculoplania

(png.) Ang hayaan ang mga mata na magliwaliw habang tinitimbang ang karisma ng isa


Bumaba kami sa bundok pagkatapos. Parang gulat pa rin siya na umiyak ako. Ako rin naman, nagulat din ako na umiyak ako.

"Salamat," sabi niya.

"Wala 'yon. Basta . . . puwede bang 'wag mo naman ako daanin sa figures of speech dahil hindi naman ako creative writer tulad mo? Hindi ko 'yon magegets kaagad. Deretsuhin mo. Sabihin mo, magmu-move on ka na. Hindi 'yung sasabihin mong magpapakamatay ka."

"Oo na. Oo na."

Sumakay kami sa jeep at hinatid ko siya hanggang sa may bahay nila. Magpapaalam na sana ako nang bigla niya akong pinigilan para sabihing, "May tanong ako sa 'yo."

Ngumiti siya. Ito yata 'yung huling ngiti ng Anna na kinatorpehan ko.

Dahil 'yung susunod na Anna ay—

"Date tayo?" tanong niya.

Halos lumuwa 'yung eyeballs ko nang sinabi niya 'yon. Nabingi ba ako? Nananaginip ba ako? Bumaliktad na ba ang mundo?

Tae. Ano'ng nangyayari?

"A-ano?"

"'Wag mo nga 'tong gawing awkward," sagot niya. "Ano, game ka?"

"Wait. Wait . . . Nakakawala 'to ng pride—"

"Bakit? Porke ako nagyaya ng date?"

Parang, sabi ko sa isip ko.

Paano ba 'to? Hindi ko alam kung paano sabihin, pero oo—tokwa't baboy—ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Shit, shit, shit! Wala na yata akong nasabing matino kundi puro mura lang sa utak ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Siguro naisip ko na hindi pa kita kilala bilang Ulysses. Kilala lang kita bilang ka-mata ni Yuan."

Tiningnan ko 'yung mga mata niya. Walang bahid ng luha nang sinabi niya 'yung pangalang Yuan. Puta, totoo ba 'to?

"Or whatever," dagdag niya. "Text mo na lang ako, okey?"

"O-okey," nauutal kong sagot.

"Sige, pasok na ako?"

"O-okey . . ."

"Huy!" sigaw niya. "Ayos ka lang?"

Pagkatapos mo akong yayain makipagdate sa 'yo? sabi ko sa utak ko. At ikaw pa talaga? Tingin mo, ayos lang ako?

"O-oo," sagot ko na lang. "Bakit naman hindi?"

"So papasok na 'ko?"

"Oo nga. Sige."

Pumasok siya sa may gate nila. Bago pa man 'yon nangyari, sumilip siya sabay ngumiti at sinabi, "Ingat, Uly."

Tapos nawala na siya sa paningin ko.

Naglakad ako papalayo sa bahay nila at di ko na namalayan, nasa may sakayan na pala ako ng jeep. Hanggang sa pagsakay ko, nakatulala lang ako at iniisip pa rin ang mga nangyayari. Hindi ko nga namalayan na lumagpas na pala ako sa subdivision namin. Bumaba ako, tulala pa rin. Humiga ako sa kama, nakatulala pa rin.

Tokneneng.

***

Nang dumating ang sumunod na araw, napatitig lang ako sa text niya.


Anna: Tuloy ba tayo?


Why the fuck is she asking me out?

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now