Chapter 8: Sphalolallia

199 11 2
                                    

Sphalolallia

(png.) pakikipaglandian na wala namang patutunguhan


Ilang linggo pagkatapos, mas naging malapit kami. Hindi lang kami, pero pati na rin ng mga orgmates niya. Hindi nga lang ako gano'n nagsasalita, pero okey rin naman pala silang kasama. Ganito pala 'yung pakiramdam na may ibang mundo.

Debut ni Sarah sa susunod na linggo, at imbitado kami. Pero hindi ito 'yung pormal-pormalan. Sa club lang, sayawan at inuman.

"Punta ka?" tanong ko kay Anna.

"Oo naman," sabi niya. "Tugtugs yata 'yon. Nga lang, di pa ako ligal, kaya dapat magmukhang ligal."

Mukha na siyang okey. Sana, hindi lang talaga "mukha" 'yon.

***

Noong araw ng debut ni Sarah, naghintayan kami sa may Katipunan. Ako 'yung pangatlo sa dumating, tapos sumunod na rin 'yung iba. Nagulat ako sa itsura ni Anna na may pulang lipstick at maikling damit.

Saktong dumating na si Sarah at 'yung isa pa naming orgmate na may van. Sumakay kaming lahat, at natuwa sila sa 'kin dahil sumama raw ako. Di ko rin gets kung bakit, pero um-oo na lang ako.

Pagdating namin, medyo maraming tao. Nilibre kaming lahat ni Sarah ng inumin at pagkain. Nga lang, hindi kasi ako umiinom.

"Seryoso? Di ka umiinom?" tanong sa 'kin ni Anna.

"Bakit? Ikaw?"

"Oo!"

"Wala ka pang eighteen ha. Ayusin mo nga yang buhay mo."

"Maayos naman dati, e. Nagulo lang bigla."

Tumawa siya, pero kahit tumawa siya, alam ko namang may bigat 'yung sinabi niya.

"Don't worry," dagdag niya, "kapag may celebration lang naman!"

"At gaano kadalas ang celebration?"

"Pag may yayaan."

"E, kapag lagi ang yayaan, hindi na celebration 'yon."

"Yes po, Itay!"

Tumawa na naman siya. Ganito na lang sa kanya ang normal—ang pagtawa kahit hindi naman nakakatawa.

Alam ko naman na "escapism" 'to. Kalahati sa 'kin ang gusto magalit sa kanya at sabihing hindi nakakatulong makalimot sa lungkot 'yung ginagawa niya. Pero kalahati naman sa sarili ko, hinahayaan na lang kasi hindi ko naman alam kung ano'ng nararamdaman niya—'yung eksaktong nararamdaman niya.

Nakita ko si Anna na may kinakausap na lalaki. Hindi ko alam kung kilala niya, pero hindi namin siya orgmate.

"Sarah, sino 'yon?" tanong ko kay Sarah. Tiningnan naman niya 'yung kausap ni Anna.

"Hindi ko alam. Baka customer lang din."

Umiinom at nagkukuwentuhan lang kami, pero sa totoo lang, hindi ko maalis 'yung tingin ko kay Anna. Nag-aalala ako na baka masobrahan siya. Bawat lingon ko pa naman, nakikita ko siyang umiinom ng shot na binibigay ng kausap niya.

Nakaupo lang ako nang sumayaw silang dalawa. Sumama 'yung iba. Ako, hindi ako mahilig sa mga gano'n. Inom na lang habang nakatingin pa rin kay Anna.

Maya-maya nakita ko na 'yung kamay ng nilalang na 'yon bumababa. Lumingon si Anna tapos tinaas niya ulit 'yung kamay nang kausap niya na kunwari napababa lang.

Di ko napigilan 'yung inis ko kaya pinuntahan ko silang dalawa at humarang sa pagitan nila. Amoy ko na 'yung pagkalasing ni Anna, at alam kong wala na siya sa wisyo.

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now