Chapter 20: Basorexia

150 10 0
                                    

Basorexia

(png.) Sobrang nais na humalik


Isang buwan pagkatapos ng sorpresa ko sa kanya, masasabi kong naging okey naman kami ni Anna. Sinasamahan ko siya sa mga training niya sa ballet, at sabay kami umuuwi at kumakain kung may pagkakataon. Pero paano ba 'to? Siguro okey kami kasi . . . hindi ko alam kung kami.

Minsan naguguluhan ako, natatakot na baka gusto lang niya ako dahil meron akong mata ni Mark. O baka ayaw pa lang niya talaga sa commitment dahil no'ng una siyang nag-commit, nawala.

Naisip ko na lang, kung ano'ng meron kami, masaya na ako. Siyempre, mas masaya nga lang kung alam ko kung ano ba talaga kami.

Tae naman kasi. Bakit hindi ko na lang itanong, di ba?

***

Pumunta kami ni Anna sa SM North nang ala-una ng hapon. Na-cut naman 'yung mga klase dahil may event ang buong university. Manonood muna kami ng sine, at siyempre, siya ang nasunod sa kung ano ang papanuorin. Hindi ko nga kilala kung sino 'yung artista, e. Bukod sa talaga hindi ako nanonood dahil puro laro lang ako, nanonood kasi ako dahil sa kuwento, hindi dahil sa mga karakter sa palabas.

O sadyang wala talaga akong pake.

"Okey lang ba sa 'yo na romance?" tanong niya nang makabili na kami ng ticket. "Baka mas gusto mo 'yung action."

"Mas gusto ko nga," sabi ko.

"Eeeee! Bakit hindi mo sinabi?"

"Mas mahalaga ka naman kaysa doon sa palabas na gusto ko. Kaya okey lang."

Ngumiti si Anna, kinurot ako sa pisngi, at sinabing, "Napakakorni mo."

Naglakad-lakad muna kami sandali para magikot-ikot sa mall. Marami siyang gustong bilhing mga libro. 'Yung totoo, sa walong taon ko sa isang co-ed school mula highschool hanggang college, siya lang yata 'yung nakilala kong babaeng unang pupunta sa bookstore kaysa bilihan ng damit, maliban na lang kung may sadya silang sa bookstore dahil may requirement.

"Naiiyak ako," sabi niya. "Hindi ko alam kung ano'ng gusto kong bilhin."

"Alin ba 'yan?"

"Roald Dahl. Kulang sa budget ang lima! Isa lang kaya kong bilhin. Nakakaiyak!"

"Alin ba diyan ang gusto mong bilhin?"

"Lahat."

"Lahat?! E, hindi nga puwede. Teka, may ekstra akong—"

"Ayokong nililibre ako sa libro. Gusto ko, sarili kong pera."

"Bakit?"

"Kasi bukod sa pagkain, mga libro lang yata 'yung worth it na napupuntahan ng pera ko."

Pinili niya 'yung The Witches dahil nabasa na raw naman niya 'yung apat. "Actually," dagdag niya, "nabasa ko na 'yung mga 'yon. Kaya ito na lang."

"E, bakit mo pa gusto bilhin 'yung mga 'yon?"

"Pinahiram lang kasi ako ng kaklase ko no'ng high school."

"Gusto mo meron ka lang?"

"Oo. Ano kasi . . . Paglaki ko, gusto ko magtayo ng isang library—library na kakaiba. Nando'n lahat ng libro sa mga shelf, tapos maraming salamin sa paligid."

"Bakit kailangan ng salamin sa paligid?" tanong ko.

"Inspired ballet theme kasi. Tapos may mga nakasabit na mannequin na ballerina sa tuktok."

Napangiti ako habang dinedetalye niya sa 'kin 'yung pangarap niyang ballet-inspired library. Ang ganda niya, tipong kumikislap 'yung mga mata niya sa dami ng gusto niyang gawin.

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Where stories live. Discover now