Chapter 19

3.1K 95 9
                                    

Hanggang nakarating at pumasok nalang kami sa mall na pag mamay-ari ni Siej ay bukambibig pa rin ni Stella si Sebastian.

"Seriously! Gusto kong makita ang pagmumukha ni Sebastian," aniya.

"It's not like you can see him whenever you want to, Stella," sambit ni Diana.

Kumunot tuloy ang noo ni Stella sa sinabi ni Diana at hinahamon ito.

"At bakit naman, aber? I am so beautiful and sexy kaya for sure titingin sa akin iyang si Sebastian, psh!" ani Stella.

Napailing nalang kami ni Diana sa sinabi nito.

"Rinig ko kasi sa circle natin na may hinahanap daw na babae si Marc Sebastian and i guess kaya siya umuwi rito kasi nakita na niya ang hinahanap niya," paliwanag ni Diana kaya napatango nalang si Stella.

Saglit akong huminto sa sinabi ni Diana. Nakita na ni Sebastian si Sara?

"Kahit kailan talaga! Kung kailan ako nakapag crush ng isang guwapong lalaki saka ko malamang may babae na pala sa puso nila, tsk!" asik ni Stella.

"Hindi mo pa naman nakita si Marc Sebastian kaya bakit mo nasabing guwapo ito?" ani Diana na ikinasimangot ni Stella.

Tumawa tuloy ako ng mahina sa ginawa nila habang tinapik nalang ni Diana ang balikat ni Stella habang hinahagod ko ang likod ni Stella.

"Okay lang 'yan, Stella," paglalakas loob ni Diana kay Stella.

"May lalaki pa diyan sa tabi," sambit ko na ikinalingon ni Stella sa akin na nakasimangot, "All you have to do is turn your head and look at the people around you."

Ang tinutukoy ko lang naman si Nick, bestfriend ni Siej. Bagay kasi sila.

"Oo nga!" sang-ayon ni Diana na ikinatawa ko ng mahina.

"Shut up you two!" ani Stella, "Magshopping na nga lang tayo."

And we started our shopping. Kahit saan-saan na kaming store pumupunta. These two girls are a shopping maniac.

Feeling ko they will buy all the items in every store sa mall ni Siej. Napaka impossible naman pero possible ngang naging villainess ako sa libro, heto pa kayang lahat ng items.

"Pagod na ako," hindi ko mapigilang magreklamo.

Tumawa tuloy ang dalawa sa sinabi ko.

"Himala at madali ka ngayong mapagod sa shopping, Ria!" ani Stella.

"Shopping is your forte pa naman," sabat ni Diana na ikinakaba ko ng konti.

Hindi nalang ako nagsalita sa sinabi nila baka mahahalata nilang hindi ako ang tunay na Adriana. I don't even know kung nasaan ang totoong Adriana.

"Psh nakasama mo lang si Siej for like a month pero wala ka ng gana mag shopping," nakapout na sambit ni Stella.

"Siej will buy her everything naman hindi na dapat ikaw pa ang personal na pumunta sa store," ani Diana.

Ano ba yan! Nandito yung topic niyo sa harap niyo oh!

Mabuti nalang talaga at may mga bodyguards kaming kasama na sumunod pala sa amin dito sa mall kaya sila ang bitbit ang mga shopping bags na ang laman ay mga pinamili namin.

"I'm hungry na," reklamo ni Stella.

Umiling nalang ako sa inasta nito pati na din si Diana.

"Punta tayo sa bagong bukas na restaurant dito sa mall," aya ni Diana.

"Right! Bagong bukas lang nito!" ani Stella.

That Siej didn't even want me to have my coffee shop dito sa mall niya pero hetont bagong restaurant pinarent niya. That sly man!

The Villainess And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon