Chapter 30

2.4K 78 0
                                    

Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa kasi nandito na sa harap ko ngayon ang ina ni Siej.

She's staring at me in awe. Kulang nalang at maiiyak na siya.

Naiilang tuloy ako sa ina ni Siej.

"Are you okay, Ria? I heard you and Rey got kidnapped!" nag-alalang sambit niya sa akin as she holds both my hands.

Tumango ako bilang sagot.

"I'm okay po saka i haven't seen Little Rey since i got discharged from the hospital," paliwanag ko nito.

She chuckles, "Don't worry, dear. He's okay. Papunta na rin siya dito kasama ang Dad niya."

Ngumiti nalang ako sa nalaman. I can finally see Little Rey since i woke up from the hospital!

"And as for that woman who kidnapped both of you--," hindi natapos ang sasabihin ng ina ni Siej kasi biglang sumabat si Tristan.

"Mom! Grandpa is waiting for all of us in the dining area already," ani Tristan.

Both me and his mom look at him at nanlaki nalang ang mata ko ng hilahin ako ng ina ni Siej patungo sa isang room na ang pagkakaalam ko ay ang dining area nila.

I look around at namangha ako sa laki at disenyo ng dining area nila. It's so elegant and twice as big as ours sa bahay.

Binitawan din ako ng ina ni Siej when she wants me to sit right beside Siej na ngayon ay nakaupo na pala.

Kumunot tuloy ang noo ko. Hindi ko namalayang naunahan niya pala kami kasi sa pagkakaalam ko nasa tabi ko lang siya.

"Sit down, Ria," aniya.

Umupo ako at tinignan ang mga tao sa paligid.

Ang Lolo niya ay nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Ang ama ni Siej at ina nito ay nasa kabila namin left side ng Lolo ni Siej while Tristan is sitting beside his mom.

"Hindi pa ba natin hihintayin sina Rey?" mahinang bulong ko kay Siej.

Paano sila? What if they'll get angry at us?

"Don't worry about it. Gutom naman si Lolo kaya hayaan mo na," ani Siej.

Tumango nalang ako dahil sa sinabi niya. That explains everything.

When i look at his grandpa, nakatingin din pala ito sa akin. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

"I'm glad dito mo dinala si Adriana, Tryton," biglang sambit ng Lolo ni Siej.

Kinakabahan na ako dahil nagsalita na ang Lolo ni Siej! Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Siej ng mahigpit sabay yuko.

Nagulat lang ako nang hinawakan ni Siej ang right hand ko sa kabilang kamay niya and rub it softly as if telling me it's okay.

"Kaya nga, Dad! He's keeping Adriana like his own!" reklamo ng ina ni Siej.

Uminit tuloy ang pisngi ko sa sinabi ng ina niya.

"Don't say that in front of Adriana, Tricia," natatawang sambit ng Lolo ni Siej.

"Anyway, natutuwa talaga ako at okay lang kayo ng apo ko," seryosong sambit ng Lolo ni Siej.

Tumango lamang ako at ngumiti dahil sa sinabi niya.

"Bihira lang ang mga taong tumulong na dinukot ngayon. Some people now are just looking at what's happening around them and move forward without helping those victims," seryosong sabi ng Lolo ni Siej.

Huminga ako ng malalim kasi totoo naman ang sinabi niya. Some people now just using their eyes to see and don't want to involve. Maybe because buhay na ang nakataya. They're scared.

"Yeah, Dad. All that matters now is that Rey and Adriana is safe," nakahingang maluwag na sambit ng papa ni Siej.

I can say na mabait ang ama ni Siej even though his face looks so stoic and serious, older version ni Siej but still pogi pa rin ito.

Hindi na bumilis ang tinok ng puso ko kaya huminga ako ng maluwag. Nakita ko naman na may lamang tubig ang baso sa harap ko kaya kinuha ko ito at uminom.

"By the way, Tryton Siej Avis. Ano itong nabalitaan kong may kinarantarya kang babae?" biglang sambit ng ina ni Siej kaya napaubo ako sa iniinom kong tubig.

I'm coughing hardly as i can feel Siej rubbing my back.

"Look what you did to Ria, Mom," hindi mapigilang sambit ni Siej sa ina while helping me drink some water.

Narinig ko namang tumawa ang kapatid ni Siej at Lolo nito while i heard Siej's Dad clears his throat.

Sakto naman at okay na ang lalamunan ko kaya bumuga ako ng hangin.

"Wala naman akong ginawa ah! I'm just asking you about that random girl! I tell you she looks so delusional!" parang naiinis na sambit ng ina ni Siej.

"I don't have anything to do with her, Mom,"

"Anong wala!? I saw you and that woman standing beside each other!"

Yumuko ako dahil sa sinabi ng ina ni Siej. Galit na nga ito.

"Mom--," Siej's words didn't continue kasi nagsalita na naman ulit ang ina niya.

"Lumapit sa amin ang babaeng nagpakilala sa amin na si..," i raise my head kasi parang nakalimutan ng ina ni Siej ang pangalan ni Sara.

"Who, Mom?" nagtatakang tanong ni Tristan sa ina.

"Her name was Savannah?" hindi siguradong sabi ng ina ni Siej.

"It's not, sweetheart," sabat naman ng ama ni Siej.

"Sarina--," i cut her off.

"Sara po," mahinang usal ko.

"That's right! Sara! She came to us and talk about being together with Siej! Anong ibig niyang sabihin!?"

"That's not what you think it is, Mom. That woman wants to be with me even though i have already a fiancée. She keeps bugging so i let Ria handle her," paliwanag ni Siej.

"Anong you let Ria handle her? Ria was even bullied to that woman yet you didn't help Adriana at all," asik ng ina ni Siej.

Tumango ako ng mahina dahil sa sinabi ng ina niya. Totoo naman kasi. Hinayaan lang niya ako when Sara bullied me.

"You better clear those things up before it gets worse, Tryton Siej," seryosong sambit ng Lolo ni Siej.

Hindi na umimik si Siej but i can feel his hand tightening his grip on my hand.

Wala na rin nagsalita sa amin kaya tahimik na ang paligid. Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness rito.

Mabuti nalang ang dumatin na ang pinsan ni Siej kasama si Little Rey kaya nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumain at tanging mga kubyertos lang ang nagbigay ingay sa dining area.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya uminom ako ng tubig when i saw Little Rey put some meat in my plate.

"Ate! You have to eat a lot so you and Uncle Tryton can have a baby that'll gonna be my baby sister," biglang sambit ni Little Rey na ikinaubo ko na naman ng tubig.

***

GEL

The Villainess And MeWhere stories live. Discover now