Chapter 8

4.1K 74 15
                                    

"Why are you hiding in my sister's back, foxy prince?" Natatawang sambit ni kuya nang makalapit ang mga ito sa amin.

"Stop embarrassing me, hermano." Sang-ayon naman ng kamabal nito na si Princess Claudia.

Napatingin ako kay Aidan na ngayo'y nakatingin sa akin ng mataimtim, kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. Umiwas naman ito ng tingin. Problema na naman nito?

Naramdaman ko na umalis sa likuran ko si Claude at tumabi sa kambal niya.

"May n-nakita lang akong kuto sa buhok ni, Alora." Nauutal na sambit niya. Sinamaan ko s'ya ng tingin sa naging palusot nito.

Kaya sa sobrang inis ay sinipa ko ang paa niya na s'yang ikinangiwi ng mukha nito.

"K-Kuto? What's that, Alora?" Takang tanong ni kuya.

"Do not mind him, hermano. He was just bantering nonsense." Palusot ko at sinamaan ulit ng tingin si Claude.

At nag-peace sign lang ang gago.

"Oh, I am sorry for being rude, Lady Alora," Claudia exclaimed softly. "I am Claudia Silverwood, Claude's twin sister." Pakilala nito sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Your hermano told me already, and you're so alluring your highness. I was even surprised when Claude told me that the two of you are twins."

Ngumiti ito sa akin at nagpasalamat habang si Claude naman ay nagtatampong tinignan ako.

"And so are you." Sagot nito sa akin.

Nagkwentuhan kami ng iba't-ibang bagay at minsan ay nagtatawanan, pero mahinhin lang.

"How about you, Alora? Do you perhaps have a gentleman in your heart already?" Tanong sa akin ni Princess Amber.

Rinig kong napaubo ang tatlong lalaki at habang si Aidan ay nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko.

I smiled at her before answering, "I am protecting my heart at all costs, Amber. So for now, I will not allow any man to enter it."

Tumango-tango naman ang mga ito, pero hindi ko talaga alam kung bakit ang tatlong lalaki ay napatingin kay Aidan.

"How about Aidan? Aidan is a good man. Don't you like him?" Napanganga ako sa tinanong ni Claudia. 

Seriously? Magkapatid talaga silang dalawa ni Claude.

I coughed a little. "Well, he is handsome..." Sabi ko habang nakatingin kay Aidan na s'yang ikinangiti nila habang si Aidan naman ay umiwas ng tingin. "But he is just a friend."

"Awit na friend zone agad." Bulong ni Claude.

Kumunot ang noo ko. "May sinasabi ka, Claude?"

Umiling lang ito. "Wala naman." Sagot niya.

"Who said we are friends?" Sarkastikong saad ni Aidan.

Ano na naman ba ang problema nito?

I scoffed. "Mama mo...." sarkastikong sagot ko sa kaniya.

Tumingin ito na nangigigil sa akin. "Stupid dwarf." 

Inirapan ko lang s'ya sa sobrang inis. Kung wala lang kaming kasamang iba sinabunutan ko na 'to eh.

"Then how about you, Aidan? Do you have someone in mind already?" Amber asked him.

"I have..." Sagot nito habang nakatingin kay Amber.

Hindi ko alam pero bigla nalang kumirot ang puso ko.

"Really?" di makapaniwalang tanong ni Amber.

He nodded and then smiled at her. Then suddenly, I felt a bit suffocated. I don't know, but my chest hurts.

NYXIE: THE LONG LOST EMPRESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now