Chapter 9

3.8K 69 3
                                    

"Okay, where should we go first, huh, horsey?" Pabulong na tanong ko sa kabayo, kahit hindi naman ito nagsasalita at nakakaintindi sa akin.

Makapasok na ako sa kagubatan, at isa lang ang masasabi ko. Ang ganda!

The air is so fresh and refreshing. The tweets of the bird are good for the ears, and the whispers of the willows are enchanting as well.

Mabilis na napalingon ako sa bandang likuran ko nang may narinig akong kaluskos.

Pagkatapos ay may nakita akong isang pusa na kulay blue tapos ang buntot nito ay parang cactus.

Wow, so cute! Hindi ko ata kayang patayin ito.

Bumaba ako sa kabayo at itinali ito sa isang matipunong kahoy.

"I will be back, horsey. Just stay here, alright?" Sabi ko dito sabay talikod.

At nag-simula na akong mangaso. Mabilis na naglabas ako ng fire bow at arrow nang may nakita akong wild boar. I position myself to target it, and when the angle is already good, I release the arrow, and it gets on the boar's spinal column, and then I shoot again, hitting its heart and lungs.

Lumapit ako para tignan ito napangiti ako nang natagumpayan ko itong patayin.

Hinawakan ko ang paa nito atsaka hinila papunta sa ilalim ng isang malaking kahoy. Pagkatapos ay naghanap ako ulit.

After hours of hunting, I've finally caught and killed more than fifty wild boars and vampire bats, and I even caught a minotaur.

Dahil pagod na rin ako ay nagpahinga muna ako sa ilalim ng malaking Puno kaharap ng puno kung saan tinipon ko ang mga nahuli ko.

"Hindi ko alam na ganito pala...nakakapagod." Saad ko sa sarili habang pinaypayan ang sarili gamit ang aking mga daliri.

I was having a serene moment when I heard the loud scream of a woman. Dali-dali akong tumayo at pinuntahan kung saan nanggaling ang sigaw.

"Go a-away." Takot na pagtataboy ng isang babae sa mga red-eyed wolves. Tangina ang dami!

Agad na ginamit ko ang leaping technique para lumipad habang tumatakbo sa ere papunta sa direksyon ng babae.

Nang makalapit ako ay agad na naglabas ako ng apoy at inatake ang nakapalibot na mga lobo. Ganitong klaseng mga lobo ay hindi shape shifters. They're just normal wolves with red eyes.

"Are you alright?" I asked her.

Nanginginig na tumango ito sa akin. Hindi ko alam, pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

Agad na pinalibutan ko s'ya ng fire shield at mabilis na pinalutang ang sarili ko sa hangin at nag back flip nang may nakita akong mga arrow na may dark essence papunta sa amin.

Fuck! Demon mages again!

At isa-isa silang naglabasan at laking gulat ko na ang dami nila.

"Occidere eam, milites Rashta!" Sigaw ng Isa.

At sabay-sabay silang sumugod sa direksyon ko.

Rashta? I guess she's not going to leave me alone, huh?

"Hermano...." Tawag ko sa kanila gamit ang telepathy ability ko.

Pero walang sumagot ni isa sa kanila.

Paulit-ulit na tinatawag ko sina Claude habang nilalabanan ang mga kampon ni Rashta, pero walang sumasagot.

At isa lang ang ibig-sabihin nito. They blocked my senses, or they put up some dark barriers to suppress their presence while attacking me.

NYXIE: THE LONG LOST EMPRESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now